Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

GOOD NEWS: LEADER NG MAUTE PATAY NA!

GOOD NEWS: LEADER NG MAUTE PATAY NA!

FINALLY! Omar Maute and Isnilon Emie Hapilon Emir ISIS confirmed dead!


SPREAD THE GOODNEWS!


Posibleng patay na ang isa sa magkapatid na Maute, lider ng teroristang grupo na nasa likod ng kaguluhan sa Marawi City, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes.



Natanggap ng mga awtoridad ang impormasyon na maaring napatay si Omar Maute sa bakbakan dalawang linggo na ang nakakaraan, ayon kay Lt. Colonel Jo-ar Herrera, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi.


Maaari umanong napatay sa engkuwentro si Omar sa isang lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga pinuno ng Maute group, ngunit hindi pa natatagpuan ang mga labi nito sa war zone, ani Herrera.



Nauna na ring sinabi ni Armed Forces Chief Eduardo Año na posibleng patay na si Omar Maute.


Buhay pa naman aniya ang isa pa sa Maute brothers na si Abdullah, at nananatili pa rin ito sa Marawi. Siya rin anila ang nag-take over sa pamumuno sa grupo.


Si Isnilon Hapilon, isa namang lider ng Abu Sayyaf na sinasabing itinalagang pinuno ng Islamic State sa Southeast Asia, ay nananatili pa rin sa Marawi City isang buwan mula nang mag-umpisa ang bakbakan.


"Hapilon is still alive. But si Omar Maute, iyon. More or less, mukhang patay na talaga si Omar Maute. Abdullah is still alive. Still there. Still inside Marawi," ani Año sa isang panayam Huwebes.




Nauna nang nag-alok ang pangulong Duterte ng P10-milyong pisong pabuya para sa pag-"neutralize" kay Hapilon, at tig-P5 milyon para kina Omar at Abdullah.


What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions for this article.


Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]