Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Inspiring

The Life Of President Duterte

The Life Of President Duterte

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong 1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang pinakamatandang naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak ni Sergio OsmeƱa sa edad na 65).


Nag-aral si Duterte ng Political Science sa Lyceum of the Philippines University at nagtapos noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya noong taong 1972 sa San Beda College of Law. Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng Davao City, isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas.


Si Duterte ay naging bise mayor ng Davao City bago naging alkalde ng lungsod noong 1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may pinakamahabang nagugol sa serbisyo, umabot ito ng pitong termino at higit na 22 na taon.


Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo. Nakakuha siya ng 39.01% ng mga boto laban sa katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang kampanya, ipinangako niyang mababawasan ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay sa libu-libong mga kriminal.


Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga. Noong Abril 2017, tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa mga lehitimong operasyon ng pulisya at vigilante-style killings. Si Duterte na binansagang "The Punisher" ng Time magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death squads sa panahong ito ay alkalde pa ng Davao.


Pagkapangulo


Noong Nobyembre 21 taong 2015, sa isang pribadong pagtitipon sa San Beda College of Law, pormal na inihayag ni Duterte ang kanyang intensiyong tumakbo bilang pangulo sa halalan ng 2016. Tinanggap rin niya ang alok ni Alan Peter Cayetano na maging running mate sa darating na eleksyon.


Sa kanyang kampanya ay sinabi niya na gusto niyang ipatupad ang isang pederal na parlamentaryong anyo ng pamahalaan. Siya rin ay nangakong papatayin ang libu-libong mga kriminal, at supilin ang krimen sa loob ng anim na buwan.



Noong ika-30 ng Mayo taong 2016, inihayag ng Ika-16 na Kongreso ng Pilipinas si Duterte bilang bagong halal na Pangulo ng Pilipinas matapos siyang makakuha ng 16,601,997 na boto, na halos pitong milyong higit pa kaysa sa kanyang pinakamalapit na kalaban.


Si Camarines Sur representative Leni Robredo sa kabilang banda, ay inihayag na Bise Presidente ng Pilipinas na may 14,418,817 votes.


What can you say about this? Just feel free to leave your comments and reactions for this article.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]