Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Entertainment

Duterte: ‘1 pang taon, tatapusin ko ang drug problem sa bansa’

Duterte: ‘1 pang taon, tatapusin ko ang drug problem sa bansa’

Target daw ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang problema sa iligal na droga sa loob ng isa pang taon.


Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa panunumpa ng mga bagong presidential appointees at mga opisyal ng Malacañang Press Corps kung saan presidente ang Bombo Radyo.


Pursigido aniya siyang resolbahin ang illegal drugs problem sa bansa at wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga human rights group.



Ayon pa kay Pangulong Duterte, puwede na dagdagan pa ang sinasabing libu-libong napapatay sa anti-drug war lalo sa pagbabalik ng Philippine National Police (PNP) sa aktibong partisipasyon.


Kung maaalala sa pamamagitan ng memorandum, ibinabalik ni Pangulong Duterte sa PNP, National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines ang responsibilidad na pagsuporta sa Philippine Drug Enforcement Agency sa anti-illegal drugs campaign.


Comment your thoughts and opinion below!

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]