Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Entertainment

Is Maine Mendoza leaving Eat Bulaga?

Is Maine Mendoza leaving Eat Bulaga?

Usap-usapan ngayon ng AlDub Nation sa social media kung bakit ilang araw nang hindi napapanood ang GMA-7 actress/host na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga!


Noong Linggo, November 26, inilabas ni Maine sa isang open letter ang kanyang saloobin tungkol sa showbiz career nito.


Sa open letter, nagpasalamat si Maine sa suportang natanggap niya mula sa kanilang fans. Kinumpirma rin ng Dubsmash Queen sa sulat na magkaibigan lang sila ng ka-love team na si Alden Richards.


"I got myself, I will catch myself, and I will pick myself up pic.twitter.com/VoU5kFuReQ

— Maine Mendoza (@mainedcm)


YOU MAY LIKE TO READ


Nitong nakaraang Lunes, huling napanood si Maine ng kanyang mga fans sa Kapuso noontime show.


Sa araw ding ito, nag-post ang phenomenal star sa kanyang Twitter ng isang cryptic message.


Ang tingin ng netizens, sagot niya ito sa negative reactions na inani ng kanyang open letter.


Ani Maine, "You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.."


"You are all right. I deserve all the hate in the world because I am such a coward and a selfish little brat. I get it and I understand.."

— Maine Mendoza (@mainedcm)


Simula noong November 28 hanggang kahapon, December 3, hindi lumabas si Maine sa Eat Bulaga! kaya samu't saring ispekulasyon ang umikot sa social media tungkol sa absence ni Maine sa nasabing programa.


Ilang tweets ang nagbanggit tungkol sa umano'y paglipat ni Maine sa ABS-CBN.


Me: ????wala naman si Meng. Baka lumabas na nang bansa


Fren: kung hindi lalabas sa bansa baka true na bayaran na lang ung kontrata niya at out na.


Me: pag out na?


Fren: lilipat sa ABS para di na siya pilitin ng fans na ipreha kay Alden, bawal sa GMA.????#ALDUBNationOneLove


— BinRegistrar (@AmorNitura)


"@mainedcm BAKIT KA LILIPAT NG CHANEL 2 SORRY MAINE KUNG IIWAN MO SI ALDEN SORRRY AYOKO NA SAYO IDOL GODBY IDOL????????????"

— JORINEL AXL GARCIA REYES (@jorinel_axl)


"No, ang sisi ay sa @gmanetwork. Bakit lilipat kung dahil kay Maine? Marami affected dahil sa ginagawa ng gma sa LT #ALDUBBePositive"

— Susie |???? (@missblue547)


"Sa mga nagsasabi na lilipat ng Network si Maine well mamumuti ang mata nyo kakaasa we love Maine alam namin dinya iiwan ang AlDub Nation at EB#ALDUBSaHirapAtGinhawa"

— C A M I L L E (@MeMinnieMiles)


"Kaya masaya n rin ako kung lilipat si M sa kabila. Solid dabarkads ako pero gusto ko makita si maine mag grow as an actress."

— phantom heist (@PhantomHeist)


Nitong November 30, isang "white rally" ang ginawa ng AlDub Nation sa labas ng Eat Bulaga! studio sa Broadway Centrum, Quezon City. Ang pagtitipon na ito raw ang kanilang paraan upang maipakita ang kanilang suporta para kina Maine at Alden.


Sa ilang video na kuha mula sa pagtitipon, makikita na nakausap ng isang representative ng AlDub Nation ang ina ni Maine na si Mary Ann Mendoza. Sa kanilang pag-uusap, ipinarating ng AlDub Nation ang kanilang pagmamahal para kay Maine.


Matapos ang kamustahan, naging panatag naman ang loob ng mga fans matapos marinig ang mga katagang "Maine will stay" mula mismo sa ina ng 22-year-old TV-host/actress.


Panoorin sa video na ito:



Samantala, nitong Biyernes, December 1 ang recent public appearance ni Maine. Nagpunta ito sa launch ng isang high-end smartphone sa Greenbelt sa Makati City.


"Happy to be part of @powermaccenter #PMCiPhoneX launch! Thank you Power Mac for having me! ???? pic.twitter.com/wCsuuW7Xwb"

— Maine Mendoza (@mainedcm)


"Congrats to the first costumer of iPhone X by Power Mac Center, Greenbelt 3 #pcmiphonex pic.twitter.com/N7YU9OLogF"

— Rams David (@ramsdavid)


"Happy December 1st ???????? Maraming Salamat Po! Spread GV ??? #PMCiPhoneX @mainedcm pic.twitter.com/p9jsl7ORI3"

— Rams David (@ramsdavid)


Source: PEP

Bottom Ad [Post Page]