Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Trending

Bongbong Marcos dinaya talaga noong nakaraang 2016 Election

Bongbong Marcos dinaya talaga noong nakaraang 2016 Election

ITO ang ating kongklusyon batay  sa  mga ulat ng muling pagbibilang ng mga boto noong 2016 para sa bise-presidente na hini­ling ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.


YOU MAY LIKE TO READ


Nagparatang si Bongbong na grabe ang pandarayang nangyari kaya nanalo ang kasalukuyang nakaupong bise-presidente na si Leni Robredo.


Ayon sa mga opisyal ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na nag-iimbestiga sa paratang na ito, mga 5,000 boto na para kay Robredo ay malinaw na lumalabas na maling naitala sa kanya sa 210 presinto. 


Ito ang napatunayan ng PET sa muling pagbibilang ng 210 presinto pa lamang  sa Camarines Sur, ang probinsiya ni Robredo.


Kung 5,000 boto sa 210 presinto ang nakitang hindi dapat kay Robredo, ang ibig sabihin nito ay 24 boto ng bawat presinto ang maling napunta sa nagpapanggap na bise-presidente.


Ngayon, hinihiling ni Bongbong na muling bilangin ulit ang mga boto sa 39,000 presinto. Batay sa kompyutasyong ito (210 x 39,000) ay 936,000 ang nadayang boto ni Robredo.


Huwag na nating sabihin na dapat pu­munta ang 936,000 boto  kay Bongbong, malamang ay kalahati ang siguradong na­punta sa kanya.



Eh, ang lamang lang ni Robredo kay Bongbong sa maling pagbibilang noong 2016 ay 263,000 boto – 14,418,817 boto raw kay Robredo laban sa 14,155,244 kay Bongbong.


Kung 936,000 pala ang hindi dapat kay Robredo, lalabas na 13,482,817 ang boto ni Robredo at napakalaki pala ng lamang ni Bongbong na hindi liliit ng 670,000!


Kahit kung ang bilang lang ay ang mga boto sa 5,418 presinto, lalabas na 130,032 boto ay para raw kay Robredo ay peke.


Madaling maalpasan ni Bongbong ang maliit na lamang ni Robredo.


Mas malaki pa sa tingin natin ang pan­daraya na nagresulta ng malaking pekeng boto para kay Robredo sa ibang mga lugar.


Isipin ninyo, ang mga opisyal na mismo ng Iglesia Ni Cristo ay galit na galit na nagsabi na sa mga lugar na kilalang teritoryo nila ay ni isang boto ay walang napunta kay Bong­bong kahit sinuportahan ito ng INC.


“Ibig sabihin ba nito ay maski ang  ministro namin ay sumuway sa kautusan ng liderato namin?”

sabi ng isang ministro ng INC.


YOU MAY LIKE TO READ: WATCH: Traffic Officer Punches An Old Jeepney Driver


Marami pang mga kahon ng balota ang nadiskubre ng PET na basambasa kaya hindi na mabasa ang mga ito!


Halatang-halata naman na binasa ng mga alipores ni Robredo ang mga kahon ng balota dahil  alam nilang kung pinabayaan lang ito ay lalabas ang pandaraya.


Matapos ang dalawang taon ay noong nakaraang  linggo lang inumpisahan ang mu­ling pagbibilang ng mga boto  na hiniling ni Bongbong.  


Hiniling sa kanya ng PET na magbayad ng P66 milyones para sa gastos ng muling pagbibilang ng boto.


Si Robredo naman na nagsampa ng kontra kaso kay Bongbong ay hiniling na magbayad ng P16 milyones.


Sa totoo lang, palagay natin ay alam ng mga abogado ni Robredo na nandaya ang mga dilawan para manalo ito.

 

Pero sa totoo lang, sayang  naman ang kikitain nila dahil hindi raw bababa sa P20 milyones ang attorneys’ fees nila, sabi sa atin ng isang nakaaalam.


Sinubukan din nilang mandaya para manalo noong 2016  bilang presidente si Mar Roxas.


Daan-daang milyones ang ginamit ng mga dilawan na kinuha sa mga “proyekto” nila tulad ng palpak na programang pagbaba­kuna ng Dengvaxia.


Pero parang bagyo ang dumaang suporta ng taumbayan kay Pangulong Duterte kaya wala ring nangyari sa kanilang maitim na balak.


Mababang-mababa ang rate ng kahirapan sa Ilocos Norte, 3 porsiyento lamang ito ayon sa opisyal na datos noong 2015. Sinabi rin ni Governor Marcos na lumalakas ang eko­nomiya ng probinsiya at bumababa ang un­employment rate nito.


YOU MAY LIKE TO READ

 

Sa totoo lang, isa sa pinakamayamang pro­binsiya sa Pilipinas ang Ilocos Norte. Marami itong produktong ginagawa na ikinakalakal sa buong bansa tulad ng bawang, bigas, tabako, mais, mga gulay at prutas, livestock at pangi­ngisda.


Maunlad din ang sektor ng food processing nito kabilang ang paggawa ng longganisa, bagnet, suka, bagoong at marami pang iba.


Marami ring turista, lokal at banyaga ang pumupunta sa Ilocos Norte para makita ang magaganda nitong mga dalampasigan at beach pati na rin ang mga makasaysayang Simbahan na panahon pa ng Kastila.


Sa harap ng mga totoong datos na ito, anong mukha ang ihaharap ni Robredo sa mga taga-Pangasinan, Ilocos Norte at iba pang probinsiya na siniraan niya? Sabi ng isang nag-post sa Facebook dapat daw ay ideklara na persona non-grata si Robredo ng mga lokal na pama­halaan na siniraan niya.

 

Simple lang ang solusyon, huwag na huwag nang iboto ang mga dilawang tulad ni Robredo. Anti-Filipino siya at ang gusto lang nila ay ma­agaw ang kapangyarihan upang maibalik na naman ang mga elitista sa MalacaƱang.


Umuunlad na ang Pilipinas. Huwag ma­niwala kay Robredo at ibang dilawan. Lumalakas ang ating ekonomiya at patuloy pa itong lalakas basta huwag ninyong ibibigay ang boto ninyo sa mga sinungaling na ito.


YOU MAY LIKE TO READ: Willie Revillame tatakbo ba bilang Senador sa 2019 Election?


Comment down your thoughts and dont forget to share!


Source: Bulgar

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]