Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Entertainment

Kris Aquino hinamon si Mocha Uson ng sambunutan, 'GAME AKO'

Kris Aquino hinamon si Mocha Uson ng sambunutan, 'GAME AKO'

Binigyan ng ultimatum ni Kris Aquino si Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson.


YOU MAY LIKE TO READ


Ginawa ito ng tinaguriang “queen of all media” sa isang Facebook live video matapos na mag-post si Mocha ng isang video ng yumaong senador Ninoy Aquino Jr. at ikumpara ito sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa South Korea.


“I am giving you fair warning, isa pa na bastusin o babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo,”

hamon ni Kris kay Mocha.


Handa rin si Aquino na makipagharap o makipag-debate kay Uson anumang oras at kahit saan man kung talagang naghahanap ito ng kaaway.


Game din si Kris na gayahin ang eksenang sa pelikulang ‘Four Sisters and A Wedding’ kung saan kinaladkad habang sinasabunutan ng aktres na si Angel Locsin ang karakter ni Uson.


“You wanna do that scene with me? You want na ako ikaw, at ikaw bilang si Angel? Gawin natin para matigil ka na lang,”

YOU MAY LIKE TO READ


Paliwanag ni Kris, ginagawa niya ito para ipagtanggol ang kanyang mga magulang sa pambabastos ni Mocha at para maging halimbawa sa kanyang mga anak.


Nilinaw din nito na hindi niya ito ginagawa dahil tatakbo siya sa anumang posisyon sa gobyerno at inamin na posibleng may umatras siyang mga endorsements dahil sa kanyang ginagawa.


Tinapos ni Kris ang kanyang live video nang sabihin nito na


“God bless our country. Please God bless us with peace, God bless us with leaders we deserve. God bless us with the courage to speak up for people we love.”

YOU MAY LIKE TO READ: Willie Revillame tatakbo ba bilang Senador sa 2019 Election?


Comment down your thoughts and dont forget to share!


Source: Abante

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]