Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

Mar Roxas - "Hindi po ako tatakbo bilang Senador sa darating na 2019 Election"

Mar Roxas - "Hindi po ako tatakbo bilang Senador sa darating na 2019 Election"

Desidido na si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na magpahinga muna sa pulitika.


Loading...

YOU MAY LIKE TO READ


Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, nagsabi na si Roxas na hindi ito tatakbo sa pagka-senador o anupamang posisyon sa eleksyon sa 2019.



“Ang desisyon niya, sabi niya, ayaw niyang tumakbo at sabi niya, huwag na siyang isama sa listahan although may ibang mga indibiduwal at grupo na kinukumbinse siya na tumakbo,” pahayag ni Pangilinan ukol kay Roxas.



Tulad ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, inaasahan namang susuporta si Roxas sa kampanya ng mga pambato ng Liberal Party sa eleksyon.


Samantala, hindi naman napag-uusapan sa partido na isama sa kanilang senatorial ticket sina Kris Aquino at Korina Sanchez, asawa ni Roxas.


Sa ngayon, lima pa lang ang malamang nilang kandidato sa pagka-senador.


Ito ay sina Senador Bam Aquino, Magdalo partylist Congressman Gary Alejano, dating Congressman Barry Gutierrez, dating Congressman Erin TaƱada at De La Salle University College of Law Dean Jose Manuel “Chel” Diokno.



Hinihikayat ng partido pero hindi pa pumapayag ang singer-actress na si Agot Isidro.


Ikinukunsidera rin si dating Solicitor General Florin Hilbay na naging pangunahing abogado ng Pilipinas sa ipinanalong arbitration case laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea.


YOU MAY LIKE TO READ


What can you say about this? Let us know your thoughts in the comment section below.


Source: Ddsnewsnow

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]