Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Trending

'SUSUNTUKIN KITA' Pahayag ni Kris Aquino para kay Mocha Uson

'SUSUNTUKIN KITA' Pahayag ni Kris Aquino para kay Mocha Uson

Binuweltahan ni Kris Aquino si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa pagkaladkad ng dating entertainer sa kanyang mga magulang para lang depensahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na halik nito sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.


YOU MAY LIKE TO READ


Ito’y matapos ipakita ni Mocha sa kanyang Facebook page ang isang lumang video footage ng kanyang amang si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., bago siya pinaslang noong 1983.


Makikita din footage ang dalawang babaeng humalik kay Aquino bago ito bumaba sa eroplano.


“Marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya. Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama,”

pahayag ni Kris sa kanyang Instagram account.


Sabi ni Kris, napaiyak daw siya nang mapanood ang video at nainggit sa dalawang babae na nakahalik sa kanyang ama bago ito pinaslang.


“Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago siya napatay,”

sambit ni Kris.


Kinastigo din ni dating entertainer na si Mocha dahil sa pambabastos diumano nito sa kanyang ina na si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.


YOU MAY LIKE TO READ


“Nangako akong hindi kita papatulan – – this time you crossed the line. You reminded me how much I hurt my mom nung buntis ako kay Josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya – sya na yung pinaka nagmahal sa akong may autism.
Pinaalala mo na nung issue namin joey, nung umamin ako sa STD, niayakap lang ako ng nanay ko. Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN.
Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kung maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko. Kaya ngayon hihiramin ko ang salita niya: TAMA NA. SOBRA NA…"

Panghuli, sinabi ni Kris ano man ang paninirang gawin sa kanya ni Mocha, tiyak aniyang hindi niya ito uurungan.


“Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurangan,”

YOU MAY LIKE TO READ: Willie Revillame tatakbo ba bilang Senador sa 2019 Election?


lahad pa ni Kris.


Comment down your thoughts and dont forget to share!


Source: Abante

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]