Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Entertainment

Wow ganito na pala ang Boracay ngayon sobrang ganda na

Wow ganito na pala ang Boracay ngayon sobrang ganda na

Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang isara ang Boracay noong Abril 26 at unti-unti na ring lumilinaw ang komprehensibong plano sa gagawing aksyon para sa rehabilitasyon ng isla.


Loading...

YOU MAY LIKE TO READ


Sinumulan na rin ang detalyadong aksyon na ipangtatapat sa sangka­tutak na usapin at problema na kinakaharap ng isla at mga mamamayan nito kabilang na ang isyu sa pangkabuhayan, kapaligiran, pag-angkin sa mga lupa at pagkaganid ng mga negosyante.



Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga mayayaman lamang ang makinabang sa mga lupain sa Boracay.



Ayon sa Pangulo, hindi niya inutusan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na linisin ang Boracay para ibigay lang ang mga lupain sa mga mayayaman.


“It is not for them. That is why kung meron ka, the remaining areas there, eh tutal agricultural pati forestal man. I don’t — I have yet to see a document that says that it is also commercial and residential.”


“So ibigay ko na ‘yan sa mga tao for agricultural purposes, kapag hindi, kukunin lang ng mga may pera ‘yan, gawain lang ‘yan nila ng resort. Resort dito, resort doon, resort dito,” ayon kay Pangulong Duterte.



“And in land, ang mga mayaman may mga mansion, mga resort, vacation houses, patay. Hindi ako gumastos diyan, hindi ko inutusan ‘yan si General Cimatu diyan maglinis para lang ibigay ko sa mga — no way,” anang Pangulo.


Pero hihilingin umano niya sa Kongreso na magreserba ng isang bahagi ng isla para ibigay sa mga magsasaka.



“Tutal ang commercial diyan ‘yun lang namang dagat eh. ‘Yung puting san ano diyan, but beyond, sa likod wala na eh,” anang Pa­ngulo.



Binigyang-diin ng Pangulo na kung gagawin niyang commercial area ang buong Boracay ay masisira ang kapaligiran nito dahil ang human waste ay sa dagat pa rin pupunta.


“I will not allow residential… Eh you will spoil everything. Kasi rarami ‘yan, then saan pupunta ‘yan? It goes to the sea, again,” sabi pa ni Pangulong Duterte.


YOU MAY LIKE TO READ


What can you say about this? Let us know your thoughts in the comment section below.


Source: Balitatol

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]