Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Trending

Rugby Boys, Inatake ang Security Guard ng Convenience Store Matapos Mahuling Nagnanakaw!


Isang video ang inupload ng isang Facebook netizen na si Grace Ybanez, ipinapakita ang mga kabataang nag-aamok sa isang convenience store. Makikita na nakikipambuno ang mga kabataan sa security guard ng pamilihan.



Ayon sa post ni Grace, nagtago na lamang sila sa isang kwarto sa convenience store kasama ang ibang bata nang makitang nagkakagulo sa naturang lugar. Ayon pa dito, isa sa mga kabataang nag-aamok ang nais saksakin ang security guard nila. At ang isa naman ay dinuraan ang guard sa mukha. Maikita din na tila walang kalaban-laban ang kawawang guard.


Grabe panoorin nyo po kung gaano katatapang itong mga kabataan na ito. Nahuli sila ng guard namin na nangungupit dito sa convenience store, pinag tulungan yung guard namin gusto pa saksakin nung isa. Dinuraan pa sa mukha! Wala kami magawa kasi na trapped kmi sa loob at tatlong bata ang kasama ko. Nung nakalabas ako nagpatawag ako kaagad ng KAAC pero walang dumating police pero late narin dumating and according to the police officer when we showed the video clip to them maraming beses na pala nila nahuli tong mga kabataan na ito "rugby boys" nga daw yan at sanay na they even tried to turn over them to their parents pero hindi nrin tinanggap ng mga magulang dahil talagang perwisyo daw.. sana maisakatuparan ang batas na pagkulong sa mga kabataan na ganito, malalakas ang loob kasi alam nila hindi sila ikukulong. Nagbanta pa yan na babalik at pinag babato mga sasakyan na naka park sa labas.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]