Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Trending

BABAE, ARESTADO MATAPOS HILINGIN NA MAGKAROON NG COVID-19 ANG ISANG FRONTLINER AT MGA ANAK NITO


Naaresto ang isang babae matapos nitong pagmumurahin sa social media ang isang pulis na nakabase sa Moncada Municipal Police Station nang dahil lamang sa pagtupad nito sa kanyang tungkulin bunsod ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.


Isang babae ang gustong pumasok at dumaan sa isang ECQ checkpoint na isinasagawa ng mga kapulisan ngunit hindi ito pinadaan dahil ang Travel Permit o Home Quarantine Pass nito ay nanggaling pa sa ibang bayan.
Dahil dito, nagalit ang naturang babae nang hindi ito pinapasok ng mga kapulisan dahil sa kanilang pagsunod sa protocol na kasalukuyang umiiral dahil sa ECQ.
Ayon sa Facebook post ng babae na si Jamellah Mamaril Duatin-Orzame na hindi pinaraan sa isang boundary checkpoint, galit na galit ito at nagawa pa nitong murahin ang isang pulis at nagsabi pa na naway magkaroon daw ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ang kanyang buong pamilya.




Ayon sa hepe ng Moncada Municipal Police Station, sinabi nitong ang pinapayagan lang nilang makadaan sa kanilang mga isinasagawang ECQ checkpoints ay ang mga mayroong Travel Pass/Home Quarantine na nagmula mismo sa bayan ng Moncada at mga ilan pang mga emergency response katulad ng pagpapahospital at iba pa.
Kayat ang patuloy at paulit ulit na panawagan ng mga kapulisan at mga lokal na pamahalaan na manatili lamang sa loob ng mga bahay para maiwasan ang kumakalat na COVID-19.
Lagi sanang tandaan na ang ginagawa ng ating mga frontliners kasama na diyan ang mga kapulisan ay para sa kasiguruhan at kaligtasan nating lahat laban sa mapanganib na dulot ng nakakamatay na virus.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]