Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsTrending

BARANGAY CHAIRMAN, HULI SA PAGBEBENTA NG QUARANTINE PASS SA HALAGANG P20


Naaresto ang isang barangay chairman sa pagbebenta ng Home Quarantine Pass (HQP) sa halagang P20 sa mga nasasakupan nito sa bayan ng Marantao, Lanao Del Sur.
Mismong sa loob ng Barangay Mantapoli, kung saan kapitan ang suspek na si Cassar Abinal ito inaresto ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ng Lanao Del Sur Police Provincial Office (PPO).

Isang concerned citizen ang nag-text sa Lanao Del Sur PPO upang ireklamo ang suspek na barangay chairman dahil sa pagbebenta nito ng HQP sa halagang P20.
Si Abinal ay dinakip matapos makatanggap ng text complaint mula sa isang concerned citizen ang Office of Provincial Intelligence Unit ng Lanao del Sur Police Provincial Office tungkol sa umano’y iligal na pagbebenta ng home quarantine pass. 
Nang puntahan ng mga pulis si Abinal sa kanyang tanggapan, tumambad sa kanila ang nakapaskil na bond paper sa pader ng barangay hall kung saan nakasulat na P20 ang halaga ng home quarantine pass.

Ang HQP ay libreng ibinibigay ng kapitan ng barangay sa kada pamilya upang magamit ng isa sa miyembro ng pamilya para lumabas ng bahay upang bumili ng pangangailangan ngayong patuloy na naka lockdown ang karamihang parte ng bansa bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Agad namang umaksyon ang pulisya hinggil sa reklamo at tinungo ang barangay hall ng Mantapoli kung saan kapitan ang suspek na si Abinal.
Pagbungad pa lang sa loob ng barangay hall ay bumalandara na agad sa mga pulis ang isang bond paper na nakadikit sa dingding kung saan kinakailangang magbayad ng P20 para makakuha ng Home Quarantine Pass, na malinaw na paglabag sa kautusan ng Department of Interior ang Local Government (DILG) dahil sa libre lang ang pagkuha nito sa mga barangay hall.
Sa ngayon ay himas-rehas na ang nasabing kapitan ng barangay na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Revised Penal Code’s Articles 213 (2) at 214, o robbery at extortion.
Una nang inihayag ni Interior Sec. Eduardo Año na libre ang home quarantine pass.
Si Abinal ay dinala sa Marantao Municipal Police Station para imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso.
What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

Bottom Ad [Post Page]