Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Inspiring

Bulag na Lola, Nagsusumikap Pa rin Magtinda ng Sili at Gulay sa Divisoria


Lolang bulag naghahanapbuhay parin sa Divisoria

Kahit na bulag, nagtitinda pa rin ng sili at gulay ang isang matandang babaeng sa Divisoria sa Maynila.



Kuwento ni Rhojanna Ronha Dizon na nag-upload ng viral na litrato. Hindi siya mahilig sa sili pero inaraw-araw na niya ang pagbili nito nang malamang bulag ang matandang tindera.

Dahil sa kanyang kondisyon, hindi matukoy ni nanay kung magkano ang ibinabayad sa kanya ng kanyang mga kostomer.

"Kinakapa niya 'yung plastic ng paglalagyan ng binili ko. Nang iabot ko 'yung bayad ko na Php 20.00, sabi niya, 'Ne, magkano itong bigay mo? May sukli pa ba ito," kuwento ni Rhojanna.


Ayon kay Rhojanna, kasalukuyang nasa Juan Luna sa Divisoria ang matandang tindera.

Panawagan niya sa ating mga Kapuso, tulungan si Nanay.

Ano ang opinion mo tungkol dito sa estoryang iyong nabasa? Comment mo lang sa baba.

Bottom Ad [Post Page]