Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

CHEL DIOKNO, IGINIIT NA LABAG SA KONSTITUSYON ANG 24 ORAS NA CURFEW PARA LABANAN ANG COVID-19


Hindi pabor si Human Rights lawyer Chel Diokno sa ipinatupad na 24-hour curfew ordinance sa Muntinlupa City bilang tugon at pag-iwas sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa lungsod.
Sa Twitter ay nilahad ni Diokno ang kanyang pagtutol sa ordinansa sa naturang lungsod.
“Siyempre nakikiusap tayong manatili lahat sa bahay, pero labag na sa Konstitusyon ang ordinansang ito. Ang ‘24-hour curfew’ ay outright denial of the right to travel and freedom of movement.”
May hirit din ito sa mga menor de edad na mahuhuling lumalabag sa curfew.
“At ayon sa Comprehensive Juvenile Justice Act, bawal patawan ng penalty ang mga minor para sa curfew violation. Dapat dalhin sila sa kanilang bahay o i-turn-over sa kanilang magulang,” tweet pa ni Diokno.
Mababatid na inanunsyo ng Muntinlupa City nitong Sabado, Marso 21 na ipapairal sa lungsod ang 24-hour curfew dahil sa COVID-19.
Ang ordinansa ay nilagdaan ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi noong Marso 21 at epektibo immediately.
Sa ilalim ng City Ordinance 2020-074, mahigpit na ipatutupad sa lungsod ang house quarantine ng mga residente mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng madaling-araw na curfew.
Hindi sakop ng curfew ang mga medical staff, ang kinatawan ng bawat pamilya na siyang bibili ng mga pangunahing pangangailangan at mga law enforcer.
Ang mga first-time na lalabag sa nabanggit na ordinansa ay mawawalan ng benepisyo gaya ng scholarship grants program.
Kapag umulit naman ay mawawalan ang mga ito ng relief good at iba pang tulong mula sa city government. Magkakaroon din ng record sa barangay ang mga pasaway dito.
What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

Bottom Ad [Post Page]