Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

Duterte Govt. Mamimigay ng P8K sa Bawat Pamilya ng mga Informal Workers


Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas ang “Bayanihan to Heal as One Act”.

Ang naturang batas ay magbibigay ng special authority sa pangulo para malabanan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Sa ilalim ng batas ay makakatanggap ng mula P5000 hanggang P8000 ang bawat pamilya ng mga informal worker sa loob ng 2 buwan.

Kabilang sa mabibigyan nito ang mga driver, vendor, magtataho, at iba pa na walang pinagkakakitaan sa ngayon habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Nakasaad din sa batas na ang mga public health workers na nahawa sa sakit ay makakatanggap ng P100,000 mula sa pamahalaan, habang ang lahat ng medical practitioners na binawian ng buhay dahil sa COVID-19 ay bibigyan naman ng tig-P1 million kada isa.


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]