Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

E-trike Driver Sinaksak ang Nakaalitang Tricycle Driver sa Boracay


Boracay, Island- nagtamo ng tama sa kanyang braso ang isang tricycle driver sa Boracay matapos saksakin ng kapwa driver ng e-trike.

Naganap ang insidente kaninang alas 10:45 ng umaga sa station 1 Brgy. Balabag isla ng Boracay.

Nakilala ang biktimang si Vincent Lobres nasa legal age at ang suspek na e-trike driver na si Edilberto Marco 34-anyos ng Sitio Diniwid Balabg, Boracay.

Ayon kay Patrolman Larry Bunda ng Malay Police Station, away trapiko ang ugat ng pananasaksak at sinasabing may dati ding alitan.

Hinamon umano ng suspek ang biktima na magsuntukan hanggang sa nagpang-abot ang mga ito.

Mabilis na bumunot ng kutsilyo ang suspek sa kanyang dalang bag at sinaksak ang biktima.

Masuwerte namang nakadating agad ang rumespondeng pulis kaya hindi na napuruhan pa ang biktima.

Kulong ngayon ang suspek habang minabuti namang dalhin sa hospital sa Kalibo ang biktima.



What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]