Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Trending

'Hindi na to pera, 'di na to trabaho, 'di ito biro, Buhay na to' paalala ng isang netizen sa mga matitigas ang ulo


Isang paalala at pagpapaliwanag ang ibinahagi ngayon ng isang Pilipino sa  para sa lahat ng kanyang mga kababayan na patuloy paring hindi nakikinig at nagpapatigasan lang ng ulo kahit pa sa mga sunod-sunod na paglobo ng mga kaso ng mga nagpositibo at namamatay dahil sa COVID-19 dito sa bansa.

Mariing nakikiusap at nagsusumamo hindi lang ang gobyerno pati narin ang ating mga doktor at iba pang mga healthcare workers na hanggat maaari ay huwag ng lumabas ng bahay upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng nahahawa sa sakit.


Sa post ni Migz Joson, binigyang diin niya na ang sitwasyon ngayon ay hindi na tungkol sa estado mo sa buhay o sa kayamanan at ng kung ano mang trabaho ang iyong maiiwan, nakasalalay na dito ang buhay ng tao.

Kaya paalala niya sa lahat ay huwag ng lumabas pa kung wala namang importanteng gagawin dahil sa hindi na natin alam kung sino sa mga nasasalamuha mo ang may dala-dalang na palang virus na maari mo ring maipasa sa lahat ng myembro ng iyong pamilya.


"KAYA WAG NA MATIGAS ANG ULO WAG NA PASAWAY👊," saad niya.

Walang patid ang mga aksyon ng gobyerno at ng kagawaran ng pangkalusugan upang sugpuin ang pagkalat ng virus, maging man ang ating mga frontliners, healthcare workers at mga doktor na halos nasa ospital na nakatira upang magbigay lang serbisyo kahit pa malagay sa peligro ang mga buhay.

Ngunit patuloy rin na nagsusulputan sa social media ang tila mga kapabayaan at pagsasawalang bahala nalang ng iba tungkol sa banta ng coronavirus disease.


Patuloy parin ang paglalabas-labas, pakikipagsalamuha sa maraming tao at lalong-lalo na sa ibang mga namumuno ng lungsod at mga barangay na tila sila pa ang may pasimuno upang magkukumpol-kumpulan ang mga tao dahil sa maling pamamaraan ng pagbibigay tulong.


Narito ang kanyang buong salaysay:

Hindi na to pera, hindi na to trabaho, buhay na to eh. Pag nawala ka, kawawa pamilya mo, hindi mo na maiisip ang pera,"

Pag nagka corona virus ka, Maoospital ka, ikaw mag isa at walang pwede dumalaw sayo kahit silip lang dahil iisipin agad nila mahahawahan sila..

malulungkot ka don lalo kang manghihina sa sobrang lungkot, mag iisip ka ng mag iisip gagaling ka pa ba makaka uwi ka pa ba hindi mo ba nahawahan yung mga mahal mo sa buhay..

pag di mo kinaya mamamatay ka, mamatay ka mag isa hindi mo man lang makikita mga pamilya mo kahit nanghihina kana kahit sa huling sandali hanggang sa e cremate ka nila hindi ka makikita ng pamilya mo susunugin ka nila agad wala ng lamay lamay diretso cremate dahil ayaw na nilang makahawa ka pa kahit na wala kanang buhay..


Napakalungkot neto, haharapin mo yung corona virus mag isa hanggang bawian ka ng buhay..Kaya mag isip isip tayo, mag ingat tayo, sumunod sa gobyerno, sa sinasabi ng mga nakaka taas, di na mahalaga yung kita natin sa trabaho o negosyo unahin natin ang kalusugan natin at ng ating pamilya..

Kung wala naman importanteng gagawin sa labas huwag na muna makisalamuha sa maraming tao at iwasan muna ang mga bisita hindi natin alam kung saan sila galing at sino sa kanila ang merong virus.. magpakalakas tayo kung ayaw natin mamatay mag isa at sunugin pagkatapos. 😞

At pinaka mahalaga ay mag dasal ng mag dasal huwag tayong tumigil sa pagtawag sa kanya siguradong ililigtas nya tayo at matatapos din ang lahat ng ito. 🙏🏻💪🏻

KAYA WAG NA MATIGAS ANG ULO WAG NA PASAWAY👊

Hindi ito biro.. Magtulungan po tayo, mahalaga ang buhay ng bawat isa..


-huwag nating iasa lahat sa Gobyerno, magsimula ka sa sarili mo, sa mga nakaka aangat tulungan mo rin ang kapwa mong mahihirap. Laban po natin itong lahat . Pagpalain tayo ng poong maykapal..

In Jesus name , malalagpasan din natin ito

What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

Bottom Ad [Post Page]