Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsVideo

Ilang Mga Pinoy sa Italy Pinagsusuntok Dahil Pinagkamalang Chinese


Dahil sa patuloy na pagkalat ng novel coronavirus outbreak sa buong mundo, nagpatupad na ng total lockdown sa Italy.

Nitong Martes, Marso 10 nadapuan na ng COVID-19 ang may 113,000 katao sa buong mundo habang mahigit 4,000 ang namatay.

Dahil dito naging marahas ang mga ilang Italiano doon at naging racist sa mga Intsik.

Ang mga Intsik ang lubhang sinisisi ng mga Italyano kung bakit nagkaroon ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ang ilang mga kababayan naman nating mga pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Italy ay napagkakamalang Intsik.

Dahil narin sa may pagkakahalintulad sa hulma mukha ng mga Pinoy at Intsik lalo na kung ang isang pinoy ay singkit.

Si Demetrio Elida, isang waiter sa Italy at matagal ng naninirahan doon. Binugbog siya ng tatlong lalaking italyano dahil siya ay napagkamalan na Intsik. Kahit pa sinasabi na niya na siya ay isang Pinoy.

Isang kababayan din natin ang biglang sinapak sa loob ng isang grocery store sa Italy na napagkamalang isang Intsik. Ngunit ang pinoy ay lumaban at pinagsigawan niyang siya ay isang Pinoy at hindi Intsik.

Isang namang pamilya ang hindi tinanggap sa isang restaurant sa Italy para mananghalian dahil pinakamalan rin silang mga Intsik. 



What can you say about this article? Share your thoughts and opinions below.

Bottom Ad [Post Page]