Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsTrending

Ito pala ang gamot kontra sa Coronavirus


Bunsod nito, kumilos na ang mga social media giant gaya ng Fcaebook para malabanan ang mga “misinformation” kaugnay sa nCoV na kumitil na ng mahigit 700 sa China at apektado na ang may 24 na bansa.
Kabilang sa kumalat na “false cures o prevention methods” sa coranavirus ang pag-inom daw ng bleach.
Narito ang mga lunas daw sa virus na “fake news”, ayon sa online news website:
Pinakuluang bawang — Kumalat ito sa Facebook, Twitter at YouTube sa Pakistan.

Pagpatak ng antibiotic sa mata — Sa Pilipinas ito nagmula kung saan milyon na ang views.
Pinasingawang face masks — Libo-libo na rin ang views ng video nito kung saan isang doktor umano ang nagpapayo sa mga tao na i-steam ang kanilang surgical face mask para muling magamit.
Mga herbal — Matapos makumpirma ang unang kaso ng coronavirus sa Sri Lanka, isang article ang nai-share ng maraming beses sa Facebook na nagsasabing isang halaman ang makakapuksa sa virus, na pinabulaanan naman ng mga health expert.
MANILA, Philippines — Inihayag ng pamahalaan ng Taizhou sa Zhejiang, China na ilalabas na sa merkado ang Favilavir, dating kilala sa tawag na Fapilavir bilang gamot kontra sa coronavirus o COVID-19.
Gawa ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company ang nasabing gamot at inaasahang magiging solusyon para tuluyang mahinto ang coronavirus.
Ang Favilavir ang kauna-unahang gamot pangontra sa novel coronavirus na inaprubahan ng National Medical Pro­ducts Administration.

Napaulat din na sa mga isinagawang clinical trials, ang Favilavir ang isa sa tatlong gamot na nagpakita ng bisa laban sa coronavirus.
Samantala, umakyat na sa 1,770 ang bilang ng nasawi sa coronavirus disease (COVID-19) sa China.
Ito ay makaraang makapagtala ng 105 panibagong bilang ng nasawi sa Hubei Province at sa iba pang bahagi ng mainland China sa nakalipas na magdamag.
 Dahil dito umabot na sa 1,775 ang global death toll ng COVID-19 kabilang ang tig-iisang nasawi sa Hong Kong, Pilipinas, Japan, France at Taiwan.
Umabot naman na sa mahigit 71,000 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa nasabing bilang, mahigit 70,500 ay mula sa China. Pumapanga­lawa ang Japan sa may pinakamaraming kaso na umabot na sa 414 habang sumunod ang Singapore na mayroong 75 kaso at Hong Kong na mayroong 57 kaso.
What can you say about Coronavirus? Feel free to react and comment below.

Bottom Ad [Post Page]