Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

KOKO PIMENTEL, HUMINGI NG PANG-UUNAWA SA PUBLIKO: HINDI NAMAN AKO UMUUBO. HUWAG MASYADO MATAKOT


Pang-unawa ang hinihingi ngayon ni Senator Koko Pimentel matapos siyang i-bash ng publiko sa pagpunta sa Makati Medical Center (MMC) gayong siya ay person under investigation sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). .
Sa isang interview, sinabi nya na hindi naman daw siya umubo habang nasa pasilidad ng MMC.
“Una sa lahat, hindi naman ako umuubo so hindi ako nakakalat ng droplets. Wala akong ubo so ‘wag masyado matakot,” aniya sa interview.
Naiintindihan naman nya ang takot pero huwag naman daw sana siya i-discriminate dahil excited lang daw siya sa pagiging ama.
“Humihingi na lang po siguro ako ng understanding. Siyempre kahit sino namang tao, ama ay magiging excited. Hindi ko naman po alam,” ani Pimentel.
Si Pimentel ang pangalawang senador sa bansa na nag-positibo sa COVID-19.
PANOORIN: Panayam kay Sen. Koko Pimentel kaugnay ng naging pagpuna ng netizens matapos niyang samahan ang asawang manganganak sa Makati Medical Center.

What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]