Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

MAG-AMA, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG PEKENG GAMOT LABAN SA COVID-19


Bagsak sa kulungan ang mag-amang online seller matapos magbenta ng pekeng gamot kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ikinasang entrapment operation ng Northern Police District (NPD) sa Barangay Dagat-dagatan, Navotas.
Kinilala ang mga suspek na sina Ismael Aviso at Ismael Aviso Jr., pawang nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat ni P/Col Julius Suriben at NPD P/Lt Col. Giovanni Hycenth Caliao, binentahan umano ng suspek ang asset ng pulisya na nagpanggap na buyer ng mga spray at produktong gamot umano sa nasabing sakit.



Nasabat sa mga suspek ang buy-bust money na nagkakahalagang P7,500 kabilang ang mga kumpiskadong pekeng produkto na tinatawag nilang anti-COVID-19 medicine.
Ayon sa World Health Organization (WHO), wala pang gamot laban sa COVID-19 at wala ring nirerekomendang self-medication para sa sakit.
Hawak na ng Northern Police District ang mag-amang residente ng Dagat-dagatan, Navotas City dahil umano sa pagbebenta ng pekeng gamot laban sa COVID-19.



Ayon sa NCRPO Public Information Office, nagsagawa ng entrapment operation ang pulisya laban sa mag-ama.
Ang tatay ang sinasabing tumanggap ng P7,500 mula sa nagpanggap na buyer.



Bago naaresto, ipinrisinta ng mag-ama sa mga pulis ang isang spray at iba pang produktong tinawag nilang anti-COVID-19 medicine.
Ayon sa World Health Organization, wala pang gamot laban sa COVID-19 at wala ring nirerekomendang self-medication para sa sakit.
What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

Bottom Ad [Post Page]