Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Trending

PANGULONG DUTERTE, MAY HILING SA MGA PILIPINO PARA SA KANYANG KAARAWAN: SUMUNOD SA PATAKARAN AND PLEASE STAY AT HOME


Mag-isang ipagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika-75 na kaarawan bukas, Marso 28 sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago.
Inihayag ni Senador Bong Go na dalawang beses silang nagkausap sa telepono ni Pangulong Duterte ngayong Biyernes, Marso 27.
Ipinakiusap ng Pangulo sa mga Pilipino na regalo na lang sa kanya ang pananatili ng mga ito sa mga bahay para malagpasan ng bansa ang outbreak ng COVID-19.
“Ngayong kaarawan niya, nakakalungkot man na mag-isa siya, isa lang ang pakiusap niya sa mga Pilipino — ang tanging mairegalo ninyo sa kanya ay ang sumunod sa patakaran and stay at home,” ani Go.
Kasama rin sa bilin ng Pangulo ay ang patuloy na pagdarasal ng taumbayan lalo na para sa kapakanan ng ating mga frontliners — mga health workers, doctors, nurses at pati na rin ang military at kapulisan na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin para protektahan ang lahat.
Idinagdag ni Go na kagaya ng nakalipas na mga kaarawan ng Pangulo, walang selebrasyon at sa bahay lamang ito mananatili.
Nabatid na pinayuhan ng kaniyang doktor at ng Presidential Security Group (PSG) si Pangulong Duterte na mag-self quarantine.
Sa Malakanyang naka-quarantine ang Pangulo kaya hindi nito magagawa ang nakagawian nang ipagdiwang ang kaarawan sa Davao City kasama ang kaniyang mga apo.
“For a man in whose hands lie the heavy burden of steering the ship of state in these perilous times, he faces the dilemma of celebrating his natal day savouring the simple joy of playing with his grandchildren in Davao or spending it dangerously in Manila amongst his people to lead them in the war of survival against the coronavirus which has placed them, including himself, on the brink of disaster and death,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]