Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

RELIEF GOODS NI MAYOR JOY BELMONTE NA ISINAKAY UMANO SA TRAK NG BASURA, BINATIKOS NG NETIZENS


Pinandidirihan ngayon ng mga netizen ang sinasabing pinamudmod na tulong ng pamahalaang lungsod ng Quezon City sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte matapos mag-viral ang mga larawan ng isang sinasabing trak ng basura na kinalalagyan ng mga relief goods.
Sa post Facebook post ng netizen na si Carol Claudio ay ramdam ang labis nitong panggigigil dahil sa kababuyang insidente.

Agad naman pinalagan ni Hon. Brgy. Captain Banjo Pilar ang nag-viral na mga larawan ni Claudio at dinepensa nito sa kanyang comment na hindi daw truck ng basura ang kanilang pinaglagyan kundi isang utility truck.

“Bilang paglilinaw, nais namin ipahahayag sa publiko na ang ginamit na truck sa paghahakot ng relief goods para sa mga residente ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City ay isang cargo utility truck na ginagamit sa maraming pangangailangan ng barangay lalo na sa oras ng kalamidad,” depensa ni Pilar.
Pero sa nakitang post at litrato sa social media ay marami pa rin ang napamura, nandiri at ayaw nang kainin ang umano’y padulas ng alkalde.

Ilang netizens ang nag-repost ng nasabing larawan at binatikos ang mga opisyales ng Quezon City, partikular na ang alkalde ng lungsod na si Joy Belmonte.

@BayaniHilaro: “Kulang sa pagpapahalaga sa tao”
@CharlieManalo: “Tangina! Kayo kumain nyan! Masyado nyo na kaming binababoy!”
@MariaPacis “wala man lang ba matino sasakyan QC? Or nakurakot na pambili? Kawawa namn qc.”

Mariing pinabulaanan ng Quezon City government na garbage truck ang pinagpasa-pasahang larawan sa Facebook ng isang sasakyang may lamang relief goods.

Base sa mga nagkomento sa Facebook post, mukhang trak daw ng basura ang pinagsakyan ng relief goods na ipamamahagi sa mga residente ng lungsod.


AIKO MELENDEZ: “MY HEART BLEEDS…”

Kabilang din ang aktres na si Aiko Melendez sa nagbahagi ng post na ito sa Facebook

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Aiko na "para naman di makatao" na isang "truck ng basura" ang pinaglagyan ng relief goods para sa mga residente ng Quezon City.

Pahayag niya (published as is): “Parang di ko na matiis to ahh.. Bakit naman po hinayaan ng barangay na ilagay ang relief goods nila sa truck ng basura?


Para naman di makatao ang trato nyo sa mga constituents nyo.

“Kng ako ay taga barangay Tatalon ipapasoli ko mga relief goods na yan dahil baka yan pa maging sanhi ng sakit..“Dipa nga tapos ang mga problema sa QC dagdag nanaman to .???? 


“My Heart bleeds more now Hindi porket mahirap mahirap dn ang pagtrato nyo po. Sino ba inaasahan nyo sa tuwing eleksyon hindi po ba sila?!”


Si Aiko ay naging konsehal ng second district ng Quezon City sa loob ng tatlong termino, mula 2001 hanggang 2010.


Noong 2010 elections, nagkatunggali sina Aiko at Joy Belmonte para sa posisyong vice mayor. Tinalo ni Joy si Aiko.


Ang katiket ni Joy na si Herbert Bautista ang nanalong mayor noon.


Nang matapos ang termino ni Herbert noong 2019, tumakbo at nanalong mayor si Joy.

NOT GARBAGE TRUCK


Sa official Facebook page ng Quezon City, nilinaw ritong cargo/utility truck, hindi garbage truck, ang sasakyang ginamit sa pagdadala ng relief goods.
Ang cargo/utility truck daw na ito ay ginagamit ng Barangay Pasong Tamo.
Nakasaad sa kanilang statement: “Mula kay Brgy. Chairperson Banjo Pilar: Ang truck na ginamit sa paghahakot ng relief goods ay isang Cargo/Utility Truck na ginagamit sa maraming pangangailangan ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City.”
Nakalagay rin sa pahayag ng kapitan: “Bilang paglilinaw, nais namin ipahayag sa publiko na ang ginamit na truck sa paghahakot ng relief goods para sa mga residente ng Barangay Pasong Tamo, Qc. ay isang Cargo/Utiliy Truck na ginagamit sa maraming pangangailangan ng barangay lalo na sa oras ng kalamidad.
"Maraming salamat po!  #covid19 [boxing glove, face with medical mask emojis]”
Kung utility truck man ang nasa larawan o trak ng basura ay kayo na ang humusga.

Bottom Ad [Post Page]