Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

RISA HONTIVEROS SA SPECIAL POWERS NI PANGULONG DUTERTE: PAANO TAYO MAKAKASIGURO NA ANG PONDO AY MAPUPUNTA SA PAGLABAN SA COVID-19


Nangangamba si Senadora Risa Hontiveros na baka mauwi sa pag-abuso at korapsiyon ang binigay na special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
“I voted “NO” to the grant of additional powers to MalacaƱang because it grants the President unchecked powers that are open to abuse and corruption,” pahayag ni Hontiveros.
“It also grants the President a virtual blank check with no clear plan nor strategy to defeat COVID-19. Paano natin masisigurado na mapupunta ang pondo sa taumbayan?” tanong pa nito.

Si Hontiveros lang ang tumutol sa Senate Bil 1419 o Bayanihan to Heal As One Act matapos ang mahabang special session ng Senado.
Naalarma din si Hontiveros sa potensiyal ng pag-abuso at ‘lack of accountability’ sa naturang panukala lalo na’t may kontrol ang Pangulo sa pondo ng mga national government agency at maging sa government-owned.
Sa pagbibigay ng dagdag ng kapangyarihan, sinabi ni Hontiveros na maaaring rin pigilin ni Duterte ang ilang mahahalagang mga proyekto ng gobyerno at ilihis ang pondo sa ibang gamit na walang nakapaloob na ‘check and balance’.

“Paano ngayon mamomonitor ng taumbayan ang paggamit ng napakalaking mga pondo na ito, at paano tayo makakasiguro na ito nga ay napupunta sa paglaban sa COVID-19?” tanong ni Hontiveros.
“Ano ang garantiya na hindi mapupunta ang kaban ng bayan sa mga negosyante o Chinese companies na malapit sa administrasyon?” saad pa nito.
Nauna nang sinabi ni Hontiveros na hindi na kailangan ng Executive Branch ng special powers para tugunan ang COVID-19 outbreak dahil may batas na aniya na puwedeng gamitin para laban ang naturang virus.

Ilan dito ay ang Government Procurement Reform Act (RA 9184), ang Price Act (RA 7582) at ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act (RA 11332).
“Hindi special powers ang sagot sa pandemic na ito, kundi political will para isulong ang mass-testing, ibigay ang PPEs at hazard pay sa mga frontliners, at ihatid ang cash assistance sa mga mahihirap na pamilya at nawalan ng kita,” ani Hontiveros.
“Bakit special powers na ang hinihingi habang hindi pa tuluyang nagamit ang kasalukuyang mandato at kapangyarihan na mayroon ang Pangulo?”
“Ang hinihingi ng publiko ay klarong programa laban sa krisis na dulot ng COVID-19. Sana ay iwasan natin ang isa pang krisis na maaring dalhin sa taumbayan ng korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ng pamahalaan,” sambit pa nito.
What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinion.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]