Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Showbiz

Willie May Kondisyon Kung si Kris ang Magiging Misis Nito


Live na mapapanood ang game show ni Willie Revillame sa GMA-7 na Wowowinngayon gabi, January 27.
Bukod sa kanyang birthday presentation, iniaalay ni Willie sa mga biktima ng Taal Volcano eruption ang broadcast ng kanyang toprating game show.
Ngayong January 27 ang ika-59 kaarawan ni Willie kaya binati siya kagabi ng Cabinet Files ng "Happy birthday."
Tinanong na rin namin siya ng kanyang birthday wish at ang mga mangyayari ngayong gabi sa Wowowin.
"Hindi ko pa alam," sagot ni Willie, dahil ngayong umaga pa lang ang meeting nila ng kanyang staff. 
Isang insider ang nagpaabot sa Cabinet Files ng balita na dumalaw si Kris Aquino sa Wowowin studio kagabi, January 26, kasama ang kanyang anak na si Bimby, para personal na batiin si Willie ng maligayang kaarawan.

Ang staff member ng Wowowin na si Erick Santiago ang nag-upload sa Facebook ng mga litrato ng pagkikita nina Kris at Willie, pati na ang video ng Wowowin studio tour ngTV host-actress. 
Walang nakakaalam sa mga mangyayari sa live broadcast ng Wowowin ngayong gabi.
Bukod sa walang studio audience, punumpuno ng relief goods—tulad ng mga sako-sakong bigas na ipapamahagi ni Willie sa mga kababayan nating biktima ng pagsabog ng Taal Volcano—ang studio ng kanyang programa.

What can you say about this article? Feel free to comment down below your thoughts and opinions.

Bottom Ad [Post Page]