Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsOpinionPoliticsShowbizTrending

ANGELICA PANGANIBAN, HUMINGI NG TAWAD SA PAGSUPORTA KAY PANGULONG DUTERTE NOONG ELEKSYON 2016


Inamin ni Angelica Panganiban na nagsisisi siyang inendorso noong eleksyon 2016 si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ito ng aktres matapos ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa umano’y paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.
Kaugnay ito sa pagpayag ni Mayor Sotto sa mga tricycle driver na bumiyahe kahit pa may transportation ban dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon kontra COVID-19.
Unang naghayag ng opinyon si Panganiban hinggil sa hakbang na ginawa ng NBI, sa Twitter, Abril 1.
“Wala silang mapag-initan. Si Mayor Vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP!” sabi niya.
Diin pa ni Panganiban na bakit kung sino pa raw ang nakakatulong ay siya pa ang kakasuhan habang ang nagkalat ng COVID-19 sa Makati MedicalCenter ay hindi.
“Nasan na yung nagkalat ng virussa [Makati Medical Center]? So far kasi ‘yun pa lang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga,” pagtukoy niya pa kay Senator Aquino “Koko” Pimentel na nagawang magtungo sa nasabing ospital kahit may sintomas na ng COVID-19.
Sa tweet na ito, isang netizen ang nagtanong sa kanya ng: “Nagising ka na ba sa pagka-hypnotize?”
Kalakip ng naturang tanong ay screenshot ng dating Instagram post ng aktres kung saan idineklara niyang si Pangulong Duterte ang kanyang presidente.
“Yes. Nakakalungkot. Pero oo. Patawarin niyo ko,” sagot ni Panganiban.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]