Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsTrending

COVID-19 PATIENT SA DIGOS CITY, NAGPUNTA SA SABUNGAN


Kinumpirma ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Digos City.
Marso 30 nang matanggap ng Digos City health office (DCHO) ang resulta ng confirmatory test ng pasyente mula sa RITM.
Ayon kay Dr. Ronald Jumilla, ng DCHO, kabilang ang 38-anyos na lalaking pasyente sa libo-libong katao na nagpunta sa sabungan sa New Matina Davao Gallera sa Davao City simula Marso 6 hanggang 13.
Gumawa na ng contact tracing ang lokal na pamahalaan at sinisigurong naka-isolate na ang mga nakasalamuha ng pasyente.
Paalala naman ni Mayor Josef Fortich Cagas sa mga taga-Digos City na huwag mag-panic at sundin ang patakaran na ipinapatupad sa lungsod kaugnay ng community quarantine.
Maayos naman umano ang kondisyon ng pasyente at naka-isolate na sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]