Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsTrending

Magsasaka patay nang tanggihan ng 6 na ospital


Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang anim na hospital sa Cabanatuan City dahil umano sa ginawang pagtanggi na matingnan o suriin ang isang magsasaka na namatay sa atake sa puso noong Huwebes Santo ng gabi.
Sa kaniyang Monday briefing na isinagawa kasama ang mga miyembro ng Inter Agency Task Force for the Management for Emerging Infectiuos Diseases (IATF-EID) ay nagbabala ang Chief Executive na maaring sampahan ng kasong kriminal ang mga pagamutan kapag napatunayang nagpabaya ang mga ito.
Ang nasawi ay nakilalang si Ladislao “Lading” Corrales Cabling, 65, biyudo, residente ng Purok 3, Brgy. Sta. Arcadia, Cabanatuan City.
Sa panayam ng ABANTE kay Arnold Cagaoan, manugang ng biktima, dakong alas 11 ng gabi ng dalhin si Cabling sa Immaculate Conception Medical Center (ICMC), Circumferential Road, dahil nahihirapang huminga.
Sakay ito ng barangay rescue vehicle kasama ang tatlong anak at isang pamangkin. Subali’t pagsapit sa ICMC ay sinabihan ang mga nagdala na walang bakante sa ICU at tila “may virus na umano ang pasyente”.
Kaya’t lumipat sila sa Wesleyan University-Philippines Hospital, sa Tandang Sora St. at hindi pa umano sila nakabababa ay sinabihan ng puno ang ICU at hindi ito matitingnan.
Sumunod nilang pinagdalhan ang Nueva Ecija Doctors Hospital sa Maharlika Highway at tinanggihan din ito na di man lang nasusuri ang pasyente.
“Sabi pa ng isang nurse na sarado na ang ICU mula noong mabalita na nagkarooon ng COVID-19 positive dito” ani Cagaoan.
Itinakbo pa rin si Cabling sa Good Samaritan Hospital sa Burgos Avenue pero muli itong tinanggihan hanggang dinala ito sa Premier General Hospital sa Brgy. Daan Sarlii.
“Pero malayo pa lang kami sumesenyas na yung guard at taga hospital na hindi na tumatanggap ng pasyente” salaysay ni Cagaoan.
Hanggang dinala ang pasyente sa government owned Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center na dagsa ang pasyente.
“Talagang nakiusap na yung tatlong anak na umiiyak sa pagmamakaawa na matingnan ang naghihirap kong biyenan pero di sila pinakinggan. Pati nga mga kasamang tanod nagagalit sa mga taga PJG” ayon pa kay Cagaoan.
Walang nagawa ang mga anak at iniuwi ang pasyente na binawian ng buhay sa bahay at nakatakdang ilibing sa Eternal Gardens ngayong Martes.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]