Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Inspiring

LOLA NA BUMILI NG BAGONG CELLPHONE PARA SA ONLINE SCHOOLING NG APO, UMANTIG SA PUSO NG NETIZENS


Mabilis na nag-viral sa social media ang nakaaantig na larawan ng isang mag-lola na masayang binubuksan ang bagong biling cellphone sa tapat ng isang mall sa Muntinlupa City.

Maraming netizens ang naantig ang puso sa larawan ng lola na masayang naibili ng cellphone ang kanyang apo para daw sa online schooling nito sa pasukan.


Ibinahagi ito ng netizen na si Mico Tan kung saan siya mismo ang nakasaksi sa nakakataba ng pusong eksena na ito.

Makikita sa ngiti ng lola ang bakas ng kasiyahan na naisakatuparan na naman niya ang isa sa mga pangangailangan ng kanyang apo.

Ayon pa sa post ni Mico, “ready” na raw ang bata sa kanyang online classes na isa sa mga inihaing paraan ng pag-aaral ng Department of Education (DepEd) kung matutuloy man ang pasukan sa Agosto 24.

“Kanina nasa SM Munti ako, nag-aabang ng order. Tapos nakita ko sila, binilihan ni nanay yung anak niya ng cellphone. Tuwang tuwa yung bata. Napaka simple lang. Ready for online class na siya. HEHEHE! A mother’s love,” caption ni Mico sa larawan.


Inakala ni Mico na mag-ina ang nasa larawan. Ngunit sa komento ng netizen na si Jhun Jolbiatado, apo niya pala ang bata at nakakuha sila ng pambili ng cellphone mula sa naipong pera sa pagtitinda ng gulay.

Ito ay isang ebidensya na lahat talaga’y handang gawin ng isang lola maibigay lamang ang mga pangangailangan ng kanyang apo.

Samatala, hangad naman ng netizens na sana’y gamitin ito ng bata sa pag-aaral at huwag sa paglalaro lamang.


Marami din sa mga netizens ang sobrang tuwa sa mag-lola at nais magpaabot ng kanilang tulong.

Nabatid na inihayag ng DepEd na may mga printed modules na ibibigay para sa ilang mag-aaral na walang computer at internet connection kaya hindi na kailangan pang bumili ng mga gadgets.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]