Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

News

MABISANG GAMOT PARA SA SEVERE CASES NG COVID-19, NATUKLASAN SA PAG-AARAL SA UK



Nakita sa pag-aaral na ang pagbibigay ng low doses ng generic steroid drug dexamethasone sa mga pasyenteng may coronavirus disease (COVID-19) ay nakabawas ng death rate.

Tinawag na “major breakthrough” ang naturang resulta ng clinical trial na isinagawa ng team recovery sa United Kingdom.

Sa ulat, ang dexamethasone ang unang gamot na nakatutulong umano sa pagpapabuti sa lagay ng isang pasyenteng may COVID-19.


“This is a result that shows that if patients who have COVID-19 and are on ventilators or are on oxygen are given dexamethasone, it will save lives, and it will do so at a remarkably low cost,” ani Martin Landray, professor sa Oxford University kung saan nanggaling ang grupong nagsagawa ng pag-aaral.

Ayon naman sa kanyang co-lead investigator na si Peter Horby, “It really is showing quite a significant effect and it’s really important because the drug itself is very widely available.”

Base sa kanilang pag-aaral, sinabi ni Horby na para sa mga pasyenteng may COVID-19 na nangangailangan ng oxygen o ventilator support, napapababa ng dexamethasone ang death rate ng mga 20 porsiyento.


Sa kabila ng pag-aaral, nagbabala pa rin ang Department of Health (DOH) ng Pilipinas.

Hindi raw ito dapat tingnan bilang isang gamot kontra COVID-19 dahil wala pa ring gamot laban sa mismong virus.

Sa kabila nito, ipinagmalaki ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Ghebreyesus ang initial clinical trial result mula sa United Kingdom.

Ang dexamethasone ay isang uri ng corticosteroid na kaya umanong pagalingin ang mga COVID-19 positive patient na nasa malubhang kalagayan.

Nagpaabot din ng pagbati si Ghebreyesus sa gobyerno ng Britanya, University of Oxford, at pati na rin sa lahat ng ospital at pasyente sa UK na nagtulong-tulong para maisakatuparan ang tinaguarian ngayong “lifesaving scientific breakthrough.”


Taong 1960 pa ginagamit ang murang steroid na ito para sa mga taong may rheumatoid arthritis, asthma at sakit sa balat.

Kasama rin ito sa listahan ng WHO Model List of Essential Medicines noong 1977 na kasalukuyan ng off-patent at murang mabibili saan mang dako ng mundo.

Patuloy naman na hinihintay ng mga researchers ang full data analysis ng trial mula sa WHO. Nakatakda ring maglabas ang ahensya ng meta-analysis na magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa gamot.

Inaasahan na rin ang gagawing update ng WHO sa kanilang clinical guidance kung paano at kailan gagamitin ang dexamethasone kontra COVID-19.

Una rito ay pinuri ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang tagumpay ng kanilang bansa ngunit binigyang-diin ng prime minister na hindi ibig sabihin nito ay pwede nang balewlain na lang ang umiiral na social distancing sa UK.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]