Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

NewsShowbiz

MMDA, IIMBESTIGAHAN ANG PAGSASAYAW UMANO NI KIM CHIU NG ‘BAWAL LUMABAS’ SA GITNA NG TRAPIKO SA EDSA


Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na iniimbestigahan nito ang video ng umano’y pagsasayaw ng aktres na si Kim Chiu sa gitna ng trapiko sa EDSA.

Sa kumalat na maiksing video mula sa Instagram story ng aktres na si Angelica Panganiban, unang araw ng general community quarantine sa Metro Manila, makikita si Kim na bumaba sa tabi ng minamanehong sasakyan sa gitna ng kalsada.


Makikita rin ang pila ng mga sasakyan sa unahan ni Kim nang sumayaw siya sa saliw ng kanta niyang “Bawal Lumabas” na hango sa kontrobersyal niyang pahayag na may kinalaman sa pagsasara ng ABS-CBN.”

Ayon kay MMDA spokeperson Celine Pialago, aalamin nila ang katotohanan sa likod ng viral video kung totoong sa EDSA ginawa ang pagsasayaw.

“We will verify if this video of the actress really happened in EDSA. If it did, We will summon/invite her to explain her side and from there we will act accordingly,” sabi ni Pialago sa text message.

“Marami po tayong problema na kailangan pong unahin at pagtuunan ng pansin kaya po sa ngayon ito po muna ang reaksyon ng aming opisina sa issue,” dagdag niya.

Nagpaalala pa rin si Pialago na ipinagbabawal ang pagsayaw sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA.

Isang halimbawa ang “Kiki Dance challenge” na nag-viral at ginaya ng ilang motorista noong 2018.  Sa challenge, sumasayaw ang isang motorista sa kantang “In My Feelings” ni Drake kasabay ng umaandar na sasakyang nakabukas pa ang pinto.

Binalaan noon ng MMDA ang gumaya sa dance challenge na haharap sila sa kaso tulad ng reckless driving at jaywalking.

HINDI ‘YUN SA EDSA

Kaagad na umalma si Kim sa panibagong kontrobersya kung saan ilang netizens ang bumabatikos dahil sa video pagsasayaw niya sa gitna ng traffic sa EDSA.

Ayon kay Kim, hindi totoo o “fake news” lamang ito dahil sa parking lot ng isang restaurant sa Pasig City nangyari ang kanyang pagsasayaw kung saan din siya nag-deliver ng ilang produkto.

“Sa nagpapakalat ng fake news na sa edsa ako sumayaw, hello? Okay ka lang? Bakit ako sasayaw sa gitna ng EDSA. Takot ko lang. DIYOS KO!”

Ito ang paglilinaw ni Kim sa kanyang Instagram Account kaugnay ng kumalat na video online kung saan ay mapapanood siyang nagsasayaw.

Ang video ay lumabas sa Instagram Account ng kanyang kapwa Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

“Please lang. Moms @iamangelicap sa EDSA daw yung parking lot ng Tipsy Pig? Kaya pa ba? Ikaw na nagdeliver ng merchandise, ikaw pa pagbibintangan ng fake news,” post ni Kim

“Hindi po biro magbenta ng merch, first time kong ginawa to pero okay lang I know this is for a good cause,” dagdag pa niya.

Sa huli ay may paalala pa si Kim na iwasan na ang pagkakalat ng mga hate messages.

“Let’s spread love not hate. COVID-19 AND KALABAN NATIN, HINDI ANG KAPWA TAO. Please lang stop spreading fake news,” sabi pa niya.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]