Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

featuredNews

BLACK NAZARENE MOTORCADE PROTOCOL NILABAG?

Sinisilip ngayon ng mga otoridad ang posibleng paglabag sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) quarantine protocol ng Quiapo Church sa pagsasagawa nito ng Black Nazarene motorcade nuong Lunes kung saan dinaluhan ng maraming tao.

Ayon kay Police Lt. Col. John Guiagui, Commander ng Manila Police District Station 3, hindi naisangguni sa pulisya ang naturang aktibidad.

Hanggang sa nabanggit na lamang sa kanila na ang truck lang kung saan lulan ang Poong Nazareno ang iikot sa siyudad.

Ani Guiagui, posibleng naparami ang ipinakalat na hijos o iyong mga nagbabantay sa poon habang iniikot ito.

Dahil dito, tinitingnan kung mayroon bang nagawang paglabag ang simbahan sa physical distancing at sa bilang ng mga dumalo sa naturang mass gathering.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]