Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]


Nag-alala ang mga netizens sa Instagram video post ni Ella Cruz kung saan nagmamaneho ang dancer/actress ng bigbike motorcycle.


"Simple lang naman, gusto ko yung ginagawa ko at kaya ko.


Matagal ko ng pangarap magmotor.


Opo, di ko abot pero masosolusyunan naman.


Kaya ako nagraride dito sa race tracks lang ay para matuto.


Hindi pa ko nagmomotor sa kalsada, dahil ayoko pa.


Isa pa po, sabi ng coach ko, kapag sanay na sanay na ako,


kahit anong motor pa yan, kahit R1 pa yan,


kayang kaya ko na


kahit gano pa kalaki yung motor na yan." kwento ni Ella.



Maayos sa umpisa ang pagpapatakbo ni Ella, ngunit sa bandang huli nang pumaling na ang katawan nito para lumiko, nalaglag siya sa motor at nagpagulong-gulong sa kalsada.


Makikita na sumemplang si Ella.



Mabuti na lang at hindi masyadong mabilis ang kanyang takbo at naka-full protective gear ang aktres kaya naman hindi ito masyadong nagalusan.


Wala namang masakit o natamong sugat si Ella ngunit nagasgas ang kanyang motor. Sa kabila nito, natututo naman sya at tinuloy pa rin ang ensayo.


Narito naman ang naging komento at payo ng isa sa mga netizens:


“Even professional riders ay nasisemplang din. We learn from our mistakes. Ok lang yan, that’s why we have gears for this purpose. Although, I think you should’ve probably train the basics like taking off, changing gears, down shifting, counter steering with smaller bikes so it’s much easier for you. So when you transition to your original bike you will just need to adapt to the height and power of the bike."


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]