Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

featuredInspiring

Estudyante Na Nakatira Sa Tagpi-tagping Bahay, Buong Pagmamalaki Na Ipinaskil Ang Tarpaulin Bilang Engineer


Ang edukasyon ay isa sa mga importanteng bagay na nais makamit ng lahat sa atin. Ito ang bagay na kailanman hindi mananakaw sa atin ng ninoman. Kaya naman todo pursige at ginagawa natin lahat ng ating makakaya makapagtapos lang ng pag-aaral.


Ito din kasi ang nagsisilbing susi para maabot ang pangarap na nais nating makamit para sa ating sarili at sa ating pamilya. Kahit pa man madaming pagsubok at problema ang dumadaan, hindi pa din tayo sumusuko upang makatulong at maiahon sa kahirapan ang ating pamilya.


Isang bagong inspirasyon na naman ang naibigay ng estudyanteng si Crystalle Mae Manalo sa mga netizens dahil nalampasan niya ang mga pagsubok sa buhay at sa huli ay nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral, higit sa lahat ay ganap na siyang isang Engineer matapos matagumpay na maipasa ang kaniyang board exam.




Si Crystale ay nakatira lamang sa isang tagpi-tagping bahay ngunit hindi siya nag-atubili na ipinaskil sa labas ng kanilang bahay ang tarpaulin na nagpapakita na siya ay isang Engineer na. Kahit pa man nangangamba at nag-aalala ang kaniyang lola dahil sa hindi maayos na hitsura ng kanilang tahanan, hindi siya nagpatinag dito bagkus buong pagmamalaki niyang isinabit ang tarpaulin sa labas ng kanilang bahay.


Sa isang social media post, ibinahagi ni Crystalle Manalo kung gaano nag-alala ang kaniyang lola na si Gloria Mamaradlo dahil iniisip niya ang maaaring sabihin ng ibang tao kapag ipinost niya ang larawan ng kaniyang tarpaulin na nakasabit sa kanilang tagpi-tagping bahay sa social media.




Ngunit, hindi ito kinahiya ni Crystalle bagkus ay proud na proud niya pa itong ibinahagi sa kaniyang social media account.


Ani Crystalle sa caption ng kaniyang post,


"Nanay: Okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?


Me: Nay ,yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat Nay... sa lahat."


Ang kaniyang post ay umani ng mga positibong komento at papuri mula sa mga netizens dahil sa kwento ng dalawa na nagsumikap pa din para makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan.



Si Crystalle ay nakapagtapos sa Colegio de San Juan de Letran-Calamba sa kursong BS Mechanical Engineering. Siya rin ay isang "Academic Excellence Awardee."


Sa kabilang banda, labis naman ang pasasalamat ni Lola Gloria dahil sa sipag at tiyaga ng kaniyang mahal na apo sa pag-aaral. Ang tiyuhin naman ni Crystalle na si Nowie Cruz Malonzo ay lubos ding natutuwa sa dalaga dahil kahit pa man siya ay nagmula sa isang broken family at kinupkop siya ng kaniyang lola, hindi pa din ito naging hadlang sa kaniyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral.


Si Crystalle ay nagkaroon din ng iba't ibang trabaho at pagkakakitaan nang sa gayon ay masuportahan niya ang kaniyang pag-aaral.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]