Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Head LinesNewsTrending

"I am a Filipino" Eugenio Gabby Lopez, Opisyal nang nag-resign sa ABS-CBN


Opisyal nang nag-resign si Eugenio "Gabby" Lopez III sa ABS-CBN Corporation at iba pang kompanya na pagmamay-ari ng pamilya Lopez.


Nagbitiw rin siya bilang director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation, at Rockwell Land Corporation.


Basahin ang official statement ng Kapamilya network:


“Nagpapasalamat siya sa tiwala ng mga stockholder ng mga korporasyong ito, sa mga kapwa director at tagapamahala na kanyang nakasama sa paninilbihan sa mga nagdaang taon.


“Tinanggap ng Board of Directors ang kanyang pagbibitiw sa ginanap na pagpupulong ngayong araw.


“Lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang dedikasyon at pamumuno sa mga nagdaang taon upang palawakin ang mga serbisyo ng ABS-CBN bukod sa telebisyon.


Tulad ng kanyang amang si Eugenio ‘Kapitan Geny’ Lopez Jr., si Gabby ay isang makabagong lider na may matinding malasakit at pagmamahal para sa Pilipinas at mga kababayan natin.


“Lagi niyang ipinaaala sa amin na ang pagiging bahagi ng ABS-CBN ay higit sa isang trabaho dahil ang manilbihan sa mga Pilipino ay isang marangal na tungkulin.


“Nirerespeto namin at buo ang aming pagsuporta sa kanyang desisyon. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa kanyang paggabay at pagtanim sa puso’t isipan ng bawat Kapamilya na sikaping maghanap ng mga bagong paraan para matugunan ang pangangailangan ng tao, mahalin ang sariling bayan, at laging maglingkod sa publiko.


“Ipagpapatuloy namin ang nasimulan nila ng kanyang ama sa aming misyong maghatid ng serbisyo sa Pilipino.”


Isa ang dual citizenship ni Gabby Lopez sa mga pinukol na isyu sa ABS-CBN sa 12 joint hearing ng nasabing House panel na nagdesisyong tuluyang isara ang Kapamilya network.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]