Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Head LinesNews

MALAKANYANG KAY ROBREDO: ‘GINAGAWA NG GOBYERNO ANG LAHAT PARA MAPIGILAN ANG PAGKALAT NG COVID-19′

Iginiit ng Malakaniyang na ginawa na ng pamahalaan ang mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos ipunto ni Vice President Leni Robredo na mayroong ibang bansa na kontrolado na ang pagkalat ng COVID-19 kahit wala pang bakuna.

Giit ni Roque, kung hindi ginagawa na ng pamahalaan ang mga binabanggit na hakbang ni Robredo, 3 milyon na siguro ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa nuong Hunyo pa lang.

Aminado si Roque na hindi perpekto ang pagtugon ng bansa sa COVID-19 pandemic ngunit aniya bulag at bingi na lamang ang hindi nakakakita sa mga ginawa ng gobyerno para makontrol ang COVID sa bansa habang wala pang bakuna.

Kasabay nito, hinamon ni Roque si Robredo kung mayroon pa itong bagong ilalatag na solusyon para tugunan ang COVID-19 crisis.

Ani Roque kung sakaling makahanap ng epektibong solusyon ang bise presidente ay baka pa ito maging pangulo ng bansa.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]