Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Head LinesNews

NEGOSYO SA PALIGID NG MANILA BAY INAASAHANG LALAGO DAHIL SA ‘WHITE SAND’ — MAYOR ISKO

Tiwala si Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na mabebenipisyuhan ng kontrobersiyal na “white sand beach” sa Manila Bay ang mga hotel gayundin ang iba pang mga negosyo sa paligid nito.

Ayon kay Moreno, inaasahan niyang makaka-akit ng mga turista ang tinawag na Manila Bay Sands sa bahagi ng Roxas Boulevard na katunog ng Marina Bay Sands ng Singapore.

Nakita na aniya ito sa pagdagsa ng mga turista noong weekend, kahit hindi pa ito pormal na binubuksan sa publiko.

Dahil dito, sinabi ni Moreno na kanyang inaasahan ang paglago ng iba’t ibang negosyo sa Roxas Boulevard partikular ng mga hotel dahil sa pagtaas ng demand nito, oras na ganap nang mabuksan ang white sand sa Manila Bay.

Dagdag pa ng alkalde, naghahanda na rin ng iba pang plano ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagpapaganda ng ibang bahagi ng Manila Bay.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]