Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Sports

SONNY THOSS MAGRERETIRO NA SA BASKETBALL

Inanunsiyo ni veteran big man Sonny Thoss ang kanyang pagreretiro matapos ang kanyang 15 taong karera sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon sa ulat, nagpasya si Thoss na huwag nang ipa-renew ang kanyang kontrata sa Alaska na napaso na noon pang nakaraang buwan.

Kinumpirma naman ni Alaska team manager Dickie Bachmann na sa halip na lumagda ng panibagong kontrata ay mas pinili ni Thoss na magretiro na lamang mula sa liga.

Isa si Thoss sa mga naging susi upang makasungkit ang Aces ng tatlong korona sa PBA na ang pinakahuli ay noong 2013 PBA Commissioner’s Cup kung saan nakuha niya ang Finals Most Valuable Player award.

Matatandaang hinugot ng Alaska si Thoss bilang fifth overall sa PBA Rookie Draft noong 2004.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]