Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

featuredHead LinesNewsShowbiz

Broadcaster na si Arnold Clavio, nakipag relasyon at nagkaanak sa 17-anyos noon na si Sarah Balagbagan


Hindi naitago ng mga netizens ang pagkagulat sa rebelasyon ng dating Overseas Filipino Worker (OFW) at ngayo’y mamamahayag na si Sarah Balagbagan-Sereno tungkol sa kilalang broadcaster na si Arnold Clavio.


Apat na araw na ang nakakaraan, kinumpirma ni Balagbagan ang mga ulat tungkol sa kaniyang relasyon noon kay Arnold Clavio noong siya’y 17-anyos pa lamang.


Naging laman ng pahayagan si Balagbagan noong 1994 dahil sa pagtatangol niya sa kanyang sarili matapos siyang pagbalakan ng masama ng kanyang employer sa United Arab Emirates.


14-anyos lamang siya noon at nagsinungaling lamang para makakuha ng trabaho sa ibang bansa.



Matapos siyang mamalagi ng tatlong taon sa piitan ay nakalaya siya sa tulong na rin ng gobyerno at ilang kilalang personalidad.


Pagkauwi niya ng Pilipinas ay bigla na lamang itong nabuntis at nagkaroon ng mga haka haka kung sino ang ama ng dinadala ni Balagbagan.


Sa isang video ay itinanggi ni Balagbagan na si namayapang kongresista na si Roy Senares, o si Rey Langit ang nakabuntis sa kanya.


Sinabi niya na ang totoong ama ng kanyang panganay ay si Clavio na tinatawag niyang “Kuya Arnold” na nag-cover noon sa kanyang istorya.



“Inaamin ko po na ang ama ng aking panganay ay si Arnold Clavio, alam ko po na nagkasala ako sa kanyang may bahay,” saad ni Balagbagan.


Ayon sa kanya ay mabilis na nakuha ni Clavio na noo’y 32 years old ang kanyang loob dahil sa ‘sense of humor’ ng mamamahayag.


Ipinasyal din diumano ni Clavio ang 17-anyos na si Balagbagan sa Kamaynilaan at dinala rin siya nito sa sinehan.


Bilang isang OFW na tubong Mindanao ay nabaitan siya sa ginawa ni Clavio.


“Alam niyo po kung gaano siya ka kengkoy, hindi lamang po ‘yung mukha niya, kundi ‘yung sense of humor niya, kahit na malungkot ako ay napapatawa niya ako,” ani Balagbagan.



“Just imagine po, na galing ako sa kulungan kung gaano po ako ka vulnerable non,” dagdag pa nito.


Tagumpay naman nilang naitago ang relasyon nila, dahil masunurin siya sa bilin ni Clavio na h’wag daw sasabihin kahit kanino ang nangyayari sa kanila.


“Alam niyo po simula noong nagkaroon kami ng relasyon ni Arnold ang payo niya sakin lagi ay ‘walang aminan, kahit anong mangyari wag kang aamin, napaniwala niya ako,” sabi ni Balagbagan.


Nilinaw naman ni Balagbagan na hindi niya planong i-justify ang nangyari at matagal na diumano siyang naka move-on sa isyu.


Sinabi rin niya na matagal na siyang napatawad ng asawa ni Clavio.


“Sa asawa ni Arnold Clavio, patawarin mo ako kung nasaktan ko ang damdamin mo noong mga panahon na may relasyon kami ni Arnold noong 1996-1997 gayon na rin sa mga anak ni Arnold, patawaran niyo ako,” saad niya.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]