Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

featuredHead LinesNewsPolitics

Duterte, nakakuha ng 91% approval rating sa kabila ng pandemya


Nakakuha ng mataas na approval rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga kasalukuyang opisyal ng gobyerno sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.


Ito ang kauna-unahang “Ulat ng Bayan” national survey na inilabas ng Pulse Asia magmula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.


Batay sa resulta ng Pulse Asia survey na isinagawa noong Setyembre 14 hanggang 20, nasa 91% ang aprubado sa performance ng Pangulo; 5% ang disapproved habang 5% ang undecided.


Nakakuha naman si Vice President Leni Robredo ng 57% approval rating, 22% disapproval at 21% undecided.


Si Senate President Tito Sotto III ay nakapagtala ng 84% approval rating na may 6% lamang na disapproval at 10% na undecided.


Si House Speaker Alan Peter Cayetano na nahaharap ngayon sa kontrobersiya kaugnay sa term-sharing agreement kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay nakakuha ng 70% approval rating, 10% disapproval at 19% undecided.


Habang nabigo naman si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na makakuha ng majority approval score na mayroon lang 44% kumpara sa 37% undecided at 13% disapproval.



Samantala, dinepensahan ng Pulse Asia ang inilabas nitong datos, kaugnay sa mataas na grado na nakuha ni Pangulong Duterte.


Sinabi ni Ronnie Holmes, Pangulo ng Pulse Asia, walang manipulasyong naganap sa isinagawa nilang pagtatanong sa online at phone patch survey na ginawa ng kanilang tanggapan.


“One is that the situation we were faced with from March and in the time of the survey, essentially involves a global pandemic. So the situation in each country differs from each other. We think people basically attribute the decline of the economy more to the global pandemic rather than essentially the work or the ineptitude of the government for that matter,” sabi ni Holmes.


“The other thing we should try to take note of, is in the case of President Duterte, while critics would point out that his actions were less than good at the start, when COVID-19 was not yet a pandemic, by March 15 he took on his own version of the rule of law and imposed a long lockdown which his supporters are saying, at least those who speak on his behalf, are saying, we have actually reduced the number of cases or the spread of the pandemic altogether,” ani Holmes.


“So there are competing views here, what we’ve noted in the survey is that there is more appreciation in terms of the president’s performance in general,” dagdag pa nito.


Dagdag ni Holmes, parehong methodology at mga tanong ang kanilang ginamit sa huling survey, gaya ng pamamaraan na kanilang ginawa sa nakalipas na dalawampung taon.


Isa rin daw independent organization ang Pulse Asia, at walang maaaring magdikta sa kanila sa datos na kanilang inilabas.

Source:Pulse Asia

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]