Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

EntertainmentTrending

Magkano Nga Ba Ang Kinikita Ni Raffy Tulfo


- Sinabi niyang nanatili pa rin umano sila sa isang rental property na may pagka-luma na


- Hindi pa rin daw matapos ang ipinagagawa nitong bahay dahil sa kulang pa umano raw siya sa budget


- Sinabi niyang mas marami pa rin daw umanong YouTuber na tulad niyang mas malaki ang kinikita sa kanya na nakatira na sa mansion at magagarang bahay


- Ibinahagi rin niya ang ilang plano niya sakaling palarin nga siyang maging bilyonaryo at puro pagtulong pa rin sa mga kababayan nating naghihikahos ang kanyang mga naiisip na gawin



Agad na nilinaw ni Raffy Tulfo na hindi pa umano siya isang bilyonaryo na kumita na di umano ng bilyon sa loob ng dalawang taon.


Nalaman ng Buzz Feed Philippines na ito ay kanyang itinanggi matapos umugong ang balitang isa na siyang bilyonaryo at ang isang dahilan nito ay ang kinikita di umano niya sa pagiging isang 'YouTuber.'


Sa umpisa pa lamang ng kanyang programa na 'Wanted sa Radyo', agad niyang inihayag ang pagtanggi at sinabing hindi pa siya kumikita ng bilyon.


Ayon kay Tulfo, kasalukuyan pa rin umano silang nakatira sa isang rental property.


Mayroon siyang sariling bahay na kanyang pinagiba dahil marami raw umanong 'mababait' (daga) at 'makukulit'(ipis) doon.


Hindi pa umano niya mapagawa ang kanyang sariling bahay, dahil sa kulang pa raw umano siya sa budget sa ngayon.


Bukod pa rito, mas inuuna pa rin niya ang pagtulong sa mga kababayan nating kapos-palad kaya naman nanatili pa rin sila sa rental property na sinasabi niyang mayroon ding mga 'makukulit at 'mababait'.


"Yan ba yung bilyonaryo? tumitira sa rental property na maraming daga at maraming ipis?" pahayag ni Tulfo.


Nabanggit din niyang marami pa raw talagang mga YouTuber na mas malaki ang kinikita sa kanya. Iyon nga raw ay mga nakatira na sa magagarang bahay o mansion na katas ng kanila umanong pinaghirapan.


Dagdag pa ni Tulfo, malalaman na lamang daw ng publiko kung siya nga ba ay isang bilyonaryo kung natupad na niya ang pangarap niyang magkaroon ng malaking palengke kung saan sagot na niya ang puhunan ng mga tindero/ tindera para lamang matulungan niya itong magkaroon ng sariling pagkakakitaan.


Isa rin sa balak niya ay ang pagapatayo ng paaralan na piling-pili na mula sa pinakamahirap sa mahirap na bibigyan nila ng scholarship hanggang high school.


"Ngayon po, di po ako bilyonaryo, pinapangarap pero, wala" pagbibigay diin ng "Idol Raffy" ng marami.


Narito ang kabuuan ng video:


No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]