Full width home advertisement

Entertainment

Showbiz

Post Page Advertisement [Top]

Head LinesNews

Netizens, kinilabutan sa enforcer at Navy reservist na inilagay ang ulo sa loob ng isang ice box sa Navotas


Hindi mapigilan ng mga netizen ang kilabutan matapos mapabalita ang kalunos lunos na nangyari sa isang navy reservist at traffic enforcer.


Noong Oktubre 1 ay natagpuan ang isang ice box na may lamang ulo ng isang lalaki sa Barangay Sta. Cruz sa Maynila.


Nakilala ang biktima na si Oliver Ignacio Esguerra, 37, residente ng Barangay San Roque, Navotas City.


Ayon sa report ng pulisya ay huling nakita si Esguerra habang may kausap sa harapan ng Navotas City impounding Area noong huling Huwebes.



Habang may kausap ang biktima ay may biglang pumarada na itim na SUV malapit sa kanilang kinatatambayan.


Noong sasagutin ni Esguerra ang tawag sa kanyang telepono ay bigla na lamang lumabas ang mga lalake sa loob ng itim na SUV at kinaladkad ang biktima papasok ng sasakyan.


Nakita na lamang muli si Esguerra na ulo nalang ang natitira at nasa loob ng ice box ng ilang tricycle driver sa Sta. Cruz.



Hanggang ngayon ay hindi pa malaman ang dahilan kung bakit nagawa ng mga suspek ang krimen.


Hindi parin natatagpuan ang katawan ni Esguerra.


Kumalat naman sa social media ang uncensored na litrato ni Esguerra at umabot na ito ng libo libong shares.


Hindi naman maitago ng mga netizen na may mensaheng pinapahiwatig ang mga suspek sa likod ng pagkitil sa buhay ni Esguerra.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]