Nakataas ang Signal No. 4 sa Catanduanes at sa eastern portion ng Camarines Sur habang napanatili ng Bagyong Rolly ang lakas nito, ayon sa PAGASA.



UPDATE: As of 11:30 PM, tumatama na ang inner spiral rainbands ng Bagyong #RollyPH (#Goni) sa mga probinsya ng Catanduanes, Sorsogon, Albay at CamarinesSur at NorthernSamar na inaasahang magdadala na ng malalakas na pag-ulan at hangin.


Sa mga susunod na oras ay inaasahang mahahagip na ng eyewall o pinakamapanganib na parte ng bagyo ang probinsya ng Catanduanes habang nalalapit ang pag-landfall nito bukas ng madaling araw.