DONATE AND HELP

Post Page Advertisement [Top]

featuredHead LinesNewsTrending

Aprubado Na Ni Tatay Digong Ang Ayuda Para Sa Mga Apektado Ng ECQ


Ito’y pahayag na pinost sa facebook ni Senator Bong Go, Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte sa kanyang pagtugon sa ating panawagan na magbigay ng agarang ayuda para sa mga mahihirap na apektado ng ECQ sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.


Patunay ito ng kanyang patuloy na pagmamalasakit at palaging pagdinig sa hinaing ng taumbayan. Dahil dito, around 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng “NCR plus” na naka-ECQ ngayon ang mabibigyan ng ayuda.


Habang limitado ang galaw ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng sakit, limitado rin ang kita at pagkain ng kanilang pamilya. Huwag na nating hayaan na madagdagan pa ang bilang ng nagugutom.


Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda para makarating agad ang tulong ng gobyerno sa mga dapat makatanggap nito. Sa tulong din ng mga LGUs, dapat mailatag na ang proseso kung paano ito maipapamahagi sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Bottom Ad [Post Page]