Post Page Advertisement [Top]

featuredHead LinesNewsShowbizSportsTrending

Jio Jalalon Ipina-Tulfo Na Ng Asawa Dahil Sa Dami Ng Babae Nito


Lalo pang mahaharap sa problema ngayon ang basketbolistang si Jio Jalalon dahil sa siya ay mapapanood na ng milyon milyong followers ng mamamahayag na si Raffy Tulfo.


Nitong Abril 12 ay hindi na nakatiis ang asawa ni Jio na si Kristina at isinumbong niya na kay idol Raffy ang kataksilan na ginawa sa kanya ng basketball player na nakilala dahil sa pagiging miyembro nito ng Gilas Pilipinas.


Ayon sa kanyang kwento ay mismong ang babae na kinakausap ni Jio ang nagbigay sa kanya ng mga larawan kung saan ay kitang kita na ipinapakita ng basketbolista ang kanyang dila.


“Last year pa daw sila, natutulog si Jio sa kanila. Natulog lamang po ng isang beses sabi niya,” sabi ni Kristina.


Pag amin naman ni Kristina, tanging ang video lamang ni Jio habang nakalabas ang kanyang dila ang ebidensiya niya ng pagtataksil ng kanyang asawa.


Isinumbong pa ni Kristina ang pananakit sa kanya ni Jio tuwing mag uusap sila tungkol sa ginagawa nitong pambababae.


Sabi naman ni Atty. Garreth Tungol ay sapat na daw ang ginawa ni Jio upang managot siya sa batas.


“Enough na ‘yun to file a concubinage,” ani Tungol.


Hindi naman daw makukulong ang diumano’y babae ni Jio at pagbabawalan lamang na tumira sa lugar ng basketbolista.


Binibigyan naman ng pagkakataon ng pagkakataon ng mamamahayag si Jio na ipagtanggol ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang mga katanungan.


Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang basketbolista kaya naman ang mga fans nito ay nag aalala sa kalagayan niya.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]