Post Page Advertisement [Top]

featuredHead LinesNewsShowbizTrending

Yam Concepcion Naging Wild Sa Plok plok Scene Nila Ni Gerald Anderson


Wow, 1.8M views sa loob ng 16 oras!


Ganiyan kalaki nga ang hinamig na view ng bagong teaser ng teleserye nina Yam Concepcion, Gerald Anderson, JM de Guzman.


Mas malaki pa ang view kesa sa follower sa Facebook page ng producer na Star Creatives, na nasa 281,000 lang, ha! At malamang, dahil sa mainit na teaser ng ‘Init sa Magdamag’ ay biglang lumobo ang follower nila sa FB.


At bakit nga ba pinagkaguluhan ang teaser na `yon? Well, sa teaser kasi ay ipinakita kung paano inakit-akit ni Gerald si Yam.


May eksena nga na naghubad si Gerald sa harap ni Yam, na white boxer shorts na lang ang natira, at pagtayo nito, paglapit sa nakaupo na si Yam, nakatutok na sa mukha ng aktres ang ‘ari-arian’ ni Gerald, ha!


At kahit ang mga palitan nila ng linya, sobrang mainit, at tila nanghihikayat na magtalik.


“Nakakapaso ba?” tanong ni Gerald kay Yam.


“Sira ulo!” sagot ni Yam kay Gerald.


At ‘yun nga, naghubad si Gerald at boxer shorts na puti na lang natira. Biglang lumingon si Yam kay Gerald at …


“At saka Tupe (pangalan ng karakter ni Gerald) puwedeng… Hoy, bakit naka-brief ka lang?” tili ni Yam kay Gerald.


“Bakit? Mas gusto mo ba nakahubad?” sagot naman ni Gerald kay Yam na tila nang-aakit talaga.


“Ewan ko sa’yo,” sagot ni Yam.


“Ganito ako matulog, eh. May sasabihin ka ba?” patuloy na pang-aakit ni Gerald kay Yam.


“Wala, matulog ka na!” sagot ni Yam.


“Sigurado ka?” tanong ulit ni Gerald.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]