Nahulicam ang panghihipo ng isang deliver rider sa isang 23 anyos na babaeng naglalakad sa kalsada.



23-anyos na babaeng naglalakad sa kalsada, hinipuan ng nakatambay na delivery rider sa Brgy Mariana, QC nitong May 14.


Noong una raw, hindi raw niya napansin 'yung lalaki.


Hanggang sa nakita niyang nakapasok daw 'yung kamay ng lalaki sa pantalon na parang nakahawak sa ari, tapos parang gumagalaw-galaw.


Kitang-kita sa CCTV na nag-zipper 'yung lalaki. Sinara niya 'yung butones ng pantalon niya, paglampas ng babae.


Kinilala ng QCPD station 11 ang nanghipong rider na si Justin de Guzman na nananatiling at-large.


"Hindi ito first time na nanghipo siya. May isa pang babae na lumutang at lumapit sa biktima." ayon kay LtCol Elizabeth Jasmin ng QCPD Station 11 commander.


Sa Lunes, nakatakda nang sampahan ng reklamong acts of lasciviousness si de Guzman.