Post Page Advertisement [Top]

Napanood mo na ba ang Death Of A Girlfriend? Kung wala pa panoorin mo na!


CLICK THE DOWNLOAD NOW TO WATCH THE FULL MOVIE

download
download

As of now wala pang reaction o comment ang girlfriend ni Diego Loyzaga na si Barbie Imperial.


Alamin nalang natin kung ano ang balak ni Diego Loyzaga sa girlfriend na si Barbie Imperial.


“Love is a trip” ang tagline ng mystery/thriller na Death of a Girlfriend na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga at ng mapangahas na newcomer na si AJ Raval.


(Incidentally, may common denominator sila—both ay may showbiz pedigree: si Diego ay anak ng estranged couple na sina Cesar Montano at Teresa Loyzaga; habang si AJ naman ay anak ng former action prince na si Jeric Raval at former sexy actress na si Alyssa Alvarez.)


Pina-explain namin sa dalawa kung ano ang gustong ipakahulugan ng said tagline pero ipinasa nila kay Direk Yam Laranas, who also wrote the script.


“The long and short of it is that the love story between the two characters of AJ and Diego has a lot of mystery involved in it,” paliwanag ni Direk Yam na pinipilit pa ring di makapagbigay ng spoiler. “Maraming mystery doon sa love story nila...so, parang to them is love real? Totoo ba or trip lang? So, parang ganu’n. But at the same time, trip meaning maglalaro lang tayo or trip to another destination where our love will grow. ’Yon po ’yong gist, so to speak.”


“Love is crazy,” direktang hirit naman ng presently in love ding si AJ. “Kahit naman sino nababaliw pag dating sa love.”


“Love or being in a relationship, it’s a never-ending... parang compromise ninyong dalawa,” pag-e-expound ni Diego. “You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo, e. So, s’yempre meron kayong mga differences and meron kayong hindi pagkakasunduan pero madami din kayong likes sa isat-isa. So, it’s no secret...in any relationship naman, even friendship siguro, ganu’n din. But iba kasi ’yong ‘relationship’ kasi ’yong pupuntahan ninyo eventually is marriage... have a family, have kids. Ganu’n. So, ganu’n ko na siya tinitingnan with Barbie and ganu’n din naman niya tinitingnan with me. So, we understand each other.”


Sa case daw nila ng girlfriend na si Barbie—na kung i-describe niya ay parang matagal na niyang girlfriend kahit four months palang sila—ay meron pa rin naman daw silang mga bad days na tinatawag, just like any other relationship. Pero bawi naman daw agad if ever may tampuhan man dahil pareho silang ma-alaga.


“Not every day is a good day... just like any relationship. But we understand each other even more on bad days. So, it’s not a secret. But it’s easier said than done. But if there’s something I like about her, si Barbie can be the most maternal person, in the sense na para siyang nanay kung mag-alaga, but at the same time, para siyang baby.


“So, ’yon naman ’yong gustong-gusto ko kasi baby ko siya, e. Gusto ko din naman ako ’yong nag-aalaga. So, I like that she brings out the best in me and takes care on me at the same time. Pag siya naman kailangan niya ng alaga, hinihingi naman niya sa akin and for me ano ’yon, big deal.”


Kahit daw maaga pa into their relationship ay naiisip at napag-uusapan na raw nila ang tungkol sa kasal every now and then. In short, hindi naman nga kasi siya nakikipag-relasyon para mag-trip lang.


“S’yempre ganu’n naman dapat, diba?” natatawang pag-amin ni Diego. “Oo nga ano parang ang aga pa? Pero nag-mature si Barbie in a lot of sense, in a lot of ways...and when it comes to relationship nga, ganu’n din naman po kasi talaga... sayang naman kung when you get into a relationship with somebody and you don’t think of those things.


“So, you try to bring out the best in that person and bring that person to where they want be five years to ten years [from now]. So, s’yempre pag inisip mo naman five years from now, aside from being successful at work or having a big house... kung anuman ’yong goals mo—hypothetical lang ito, like having eight cars or whatever—s’yempre kasama rin doon, five or ten from now, meron na kayong mga anak, meron na kayong kasamang matulog gabi-gabi... asawa [in short]. So, s’yempre napag-uusapan kahit na medyo ano palang kami... I think naman parang sa oras na magkasama kami parang one year na nga kami, e.”


(The couple officially announced their relationship on Instagram on New Year’s Day 2021 while spending the Christmas holidays in Bohol.)


Incidentally, siguradong walang kasalang magaganap sa Death of a Girlfriend pero sure daw, according kay Direk Yam, na maraming audience participation na magaganap in terms of hulaan dahil sa mga twists and turns na io-offer ng story na tungkol sa magkasintahan whose relationship was abruptly halted by a horrible incident.


“When you watch the film, there’s a lot of love story... you fall in love with it, you will be mystified because nga of the mystery of the story,” dagdag pang-aakit ni Direk Yam. “There’s no gore but there will be a lot of intriguing scenes that will make you want to kumbaga wait for the next scene. Ano ba’ng mangyayari? That’s why parang involved ang audience sa pagsagot sa mga questions habang pinapanood nila ’yong pelikula which is handled very well of course by Diego and AJ.”


Ang Death of a Girlfriend ng Viva Films will have its worldwide premiere on April 30 in the following platforms: ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, Sky PPV (for P250); and on Vivamax.


Vivamax is available online at web.vivamax.net or download the app on Google Play Store at Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]